ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 24, 2025
Photo: Bea Alonzo - Instagram
Bilyonaryo na si Bea Alonzo base sa kanyang mga properties at investments.
Bukod sa napakalawak niyang farm sa Zambales, marami pa siyang negosyo na naipundar. May bahay na rin siya sa USA at apartment sa Spain.
Magaling mag-manage ng negosyo ang mom ni Bea, kaya natutulungan siya at nabibigyan ng advice.
Sa guesting ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), nabanggit niya na ang lahat ng kanyang negosyo ay nakapangalan sa kanya. At binigyan niya ng sariling negosyo ang kanyang ina na naaalagaan at napapalago naman nito.
Masinop sa pera si Bea dahil nakita niya kung paano nagsikap ang kanyang ina upang itaguyod ang kanilang pamilya. Kaya nang nabigyan siya ng big break sa showbiz at kumikita na nang malaki, ang kapakanan ng kanyang ina at mga kapatid ang naging prayoridad niya.
Binigyan niya ng sariling bahay ang kanyang ina.
At ngayon, kahit nasa tamang edad na siya at puwedeng mamuhay nang solo, humihingi pa rin siya ng advice/guidance kapag tungkol sa aspeto ng kanyang love life.
Naniniwala pa rin si Bea Alonzo na “Mother knows best.” Ayaw niyang magkamali sa larangan ng pag-ibig.
NAGSIMULA sa showbiz bilang child star si Miguel Tanfelix at nakasabayan ni Bianca Umali. Hindi naman siya nawalan ng projects sa GMA Network, at smooth ang naging journey ni Miguel bilang Kapuso star.
Naging matagumpay ang remake ng Voltes V kung saan isa si Miguel sa major cast. At ngayon, sa bagong primetime seryeng Mga Batang Riles (MBR), makikita ang malaking pagbabago kay Miguel. Hindi siya naalangan sa mga bagets na Kapuso actors na kasama niya sa MBR.
Well, akmang-akma kay Miguel ang kanyang role bilang si Kidlat. At mas gusto ng mga viewers na mapanood siya sa kakaibang pagganap.
Pinagpahinga muna ng GMA-7 ang love team nila ni Ysabel Ortega. Magandang desisyon ito para sa career ni Miguel dahil mas lumawak ang mga roles na puwede niyang gampanan, hindi na siya matatali lang sa love team.
Bentahe sa kanila ni Ysabel ang mag-solo-solo muna. Serious actor si Miguel Tanfelix, dito muna siya dapat luminya.
Samantala, mahilig sa adventure si Miguel at naging memorable para sa kanya noon ang kanyang 18th birthday dahil naranasan niyang mag-travel abroad nang solo lang at nagawa niya ang lahat ng gusto niya. ‘Yun ang total freedom na na-enjoy niya.
MARAMING netizens ang nagtataka kung bakit sobrang generous naman ni Willie Revillame at binigyan kaagad ng P1 million cash si Rufa Mae Quinto. Ito ay para ibayad sa bail niya sa mga kasong isinampa sa kanya ng mga taong nag-franchise sa derm clinic na ine-endorse niya.
Malaking halaga ang P1M, kaya inakala ng marami na siguro ay may “nakaraan” sina Rufa Mae at Willie kaya siya tinulungan ng TV host.
May nagsabi naman na baka bayad ito ni Revillame sa pagkampanya ni RMQ para sa TV host. Kandidato si Willie sa pagka-senador sa midterm elections.
Pero nang mag-guest recently si Rufa Mae sa programang Wil To Win (WTW), nilinaw ni Willie na hindi sila nagkaroon ng relasyon ng sexy actress.Talaga lang daw close sila ni RMQ, kaya tinulungan niya sa problema nito.
Kuwento pa ni Revillame, ang talagang type niya noon ay ang BFF ni RMQ, pero hindi natuloy dahil sinulot ito ni Rufa Mae. Biro lang ‘yun ni Willie Revillame dahil magkaibigan sila.
Well, masuwerte nga si Rufa Mae dahil nagkaroon siya ng mga kaibigan na dumamay at tumulong sa kanyang mga kinakaharap na problema. Gagawin naman ni RMQ ang lahat upang patunayan na hindi siya scammer at wala siyang nilokong tao.
Maganda na, matangkad at smart pa…
GABBI, UMAMIN KUNG BAKIT ATRAS MAG-BEAUTY QUEEN
Marami ang nagpapayo sa Kapuso star na si Gabbi Garcia na sumali na sa Miss Universe Philippines (MUP) beauty pageant. Taglay naman daw niya ang mga katangian ng isang beauty queen - matangkad, maganda, smart, at may karisma.
Sayang naman daw ang oportunidad kung palalagpasin pa ni Gabbi.
Tamang-tama na rin ang kanyang edad ngayon kung sasali na siya sa Miss U. Dapat na mag-undergo na siya ng training (personality development) na kakailanganin ng mga kandidata.
Pero nagdadalawang-isip pa rin si Gabbi kung sasali sa beauty pageant. Marami pa siyang commitments na dapat tapusin. Unang-una na rito ang kontrata niya sa GMA Network, at may mga shows pa siyang gagawin. Isa na rito ang Sang’gre: The Encantadia Chronicles.
May mga endorsements din siya at nag-aalala siyang baka magkaroon ng conflict kapag sumali siya sa beauty pageant, kaya pag-iisipan daw munang mabuti ni Gabbi ang gagawing desisyon sa pagsali sa Miss Universe.
Suportado naman siya ng boyfriend niyang si Khalil Ramos sa landas na gusto niyang tahakin.