top of page
Search
  • BULGAR

ARA, KUMANTA SA 3 LALAKING ‘DI MAKALIMUTAN

ni Julie Bonifacio @Winner | June 30, 2024


Showbiz Photo
Photo: Ara Mina

Tinanong namin si Ara Mina sa mediacon ng kanyang anniversary concert, ang All of Me na gaganapin sa New Performing Arts sa Resort’s World on July 19 tungkol sa relasyon ng sister niyang si Cristine Reyes at ni Marco Gumabao. 


We asked Ara kung pabor ba siya na magpakasal sina Cristine at Marco. 

Pahayag ni Ara, “Nasa sa kanila ‘yun. Saka si Marco, nakita ko naman kung paano s’ya sa family n’ya. Close rin si Cristine sa family ni Marco.


“Ang masasabi ko lang, kung seryoso talaga si Marco sa kapatid ko, why not, ‘di ba? Basta mahalin n’ya lang ang sister ko.


“Pero hindi naman sila nagmamadali lalo na si Cristine coming from you know, failed marriage. Hindi rin ganu’n kadali ‘yun.”


Kahit nasa tamang edad na si Cristine, paminsan-minsan ay “nangingialam” pa rin si Ara sa buhay nito in a good way.


“I give advice,” diin ni Ara. 


“Pero malaki na s’ya. Malaki na ang ipinag-mature ni Cristine, eh, compared before. Saka mas close kami ngayon. Mas personalan na ang usapan namin about life, hindi ‘yung mababaw. Eto, deep conversation, ‘yung about our future.”


And then, we asked again Ara kung sino ang mako-consider niya na top three na nakarelasyon niya.


Una raw ay ‘yung dalawang male stars na nakasama niya sa youth-oriented show ni German Moreno, ang That’s Entertainment, Nagsuntukan pa raw ang mga ito sa That’s… dahil kay Ara. 


“Tapos Top 2, itago na lang natin sa pangalang JY,” ngiti ni Ara.


Obviously, ang tinutukoy niya rito ay walang iba kundi ang aktor na si Jomari Yllana.

At ang pangatlo, siyempre, ang mister niyang si Dave Almarinez. 


“Yes, nagpakasal na ako. Kasi nagulat kayong lahat na bigla akong na-engaged. 


“Na hindi n’yo alam na may boyfriend ako, kasi naman nagkaroon ako ng boyfriend ay nu’ng pandemic. Alangan namang ‘Hey, guys! I have a boyfriend.’


“Parang ang off naman na magpo-post ka na nakakulong ka sa bahay,” tsika pa ni Ara.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page