ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 18, 2025
Photo: Ara Mina Almarinez - IG
Tatlong buwan din palang pinag-isipan at humingi ng mga signs kay Lord si Ara Mina bago tuluyang nakapagdesisyon na tanggapin ang alok sa kanyang tumakbong konsehal sa District 2 ng Pasig City.
Una nang sumubok si Ara na tumakbong konsehal sa Quezon City noong 2010 general elections pero ‘di siya pinalad na manalo.
Paliwanag ni Ara kung bakit sa Pasig siya tatakbong konsehal, tagarito naman daw talaga siya dahil may bahay dito ang kanyang ina at dito rin siya lumaki.
At kung sakaling mananalo nga siyang konsehal, posibleng bumili na rin sila ng bahay sa Pasig ng asawang si Dave Almarinez para rito na rin manirahan nang permanente.
Inamin din ni Ara na ang mayoralty candidate at businesswoman na si Sarah Discaya ang kumumbinse sa kanyang tumakbo. Nagkakilala sila sa isang medical mission ng foundation ni Sarah at dahil pareho ang advocacy nila na women empowerment at pagbibigay-halaga sa mga PWDs kaya nagkasundo sila.
At kahapon nga, ipinakilala na ni Ara sa entertainment press ang kanyang “Ate Sarah” na first time papasok sa pulitika dahil construction business talaga ang linya nito. Pero dahil pareho nga silang gustong mas makatulong pa sa maraming kababayan nila, kahit magulo raw ang pulitika, go, go, go lang sila at laban kung laban!
Shocked man daw ang mister ni Ara na si Dave Almarinez (na tumatakbo ring partylist representative) sa kanyang pagpasok sa pulitika, suportado naman nito ang kanyang pagtakbo. Kaya, after elections na raw ang kanilang ‘baby project’ dahil pareho pa silang busy ngayon sa kampanya.
Samantala, natuwa si Ara na nag-offer ng suporta sa kanyang kandidatura si Piolo Pascual.
Nahiya naman daw magsabi si Ara at humingi ng suporta sa kanyang “Ate” Sharon Cuneta dahil alam niyang busy din ito sa pagtakbong senador ng mister na si Kiko Pangilinan.
Ang kapatid niyang si Cristine Reyes ay busy din sa kampanya ni Sen. Imee Marcos kaya naiintindihan ni Ara na ‘yung free time lang nito ang naibibigay sa kanya.
Well, hoping si Ara na pagkatiwalaan siya ng mga Pasigueños at sabi nga niya, gusto niyang mag-aral ng governance manalo man siya o matalo para hindi naman maliitin na pumasok siya sa pulitika nang walang alam.
Maraming bahay sa Alabang at Tagaytay…
NAHULING KASAMA NINA MARK AT RAINIER SA CASINO NA SI JOJO MENDREZ, BILYONARYO
NARINIG na naming kumanta nang live ang controversial Revival King na si Jojo Mendrez sa media launch ng kanyang original song na Nandito Lang Ako sa Dapo Resto.
Bago pa nai-launch ang Nandito Lang Ako, nag-trending na at naka-35 million views ang revival ni Jojo ng Somewhere in My Past ni Julie Vega (SLN).
May ibubuga naman sa singing ang controversial singer na unang na-link kay Mark Herras matapos silang makitang magkasama sa Okada Hotel.
Kaya nagtataka kami kung bakit instead ma-focus sa kanyang singing ability, eh, mas pinag-uusapan si Jojo Mendrez sa pagkaka-link kay Mark Herras, at ngayon naman, pati kay Rainier Castillo, lalo’t may bago na namang video na kumakalat na magkasama silang kumakain at ipinaglalagay pa ni Jojo ng food sa plate ang dating StarStruck alumnus.
Nagtanung-tanong kami at nag-research tungkol sa background ni Jojo Mendrez dahil na-curious kami kung bakit may mga ganitong publicities sa kanya kung saan hindi naman nakakaganda sa image niya ang mga sightings sa kanya sa casino kasama ang mga dating StarStruck members na sina Mark at Rainier.
Ayon sa chika ng aming reliable source, hindi lang basta milyonaryo kundi bilyonaryo pala itong si Jojo na kulang ang mga daliri sa kamay kung bibilangin ang kanyang mga bahay sa Ayala, Alabang, Tagaytay at iba pang lugar.
Libangan na lang daw niya ang pagkanta kaya siya nagre-revive ng mga songs. At kung naglalaro man daw siya sa casino kasama ang ilang kaibigan, pampalipas-oras lang ‘yun at hindi naman nagpapakalulong.
Una na rin naming narinig ang kuwentong galing sa hirap si Jojo Mendrez nu’ng bata pa, kaya ‘pag na-meet namin siya ulit, ‘yun ang ipapakuwento namin sa kanya at kung paano siya nagkaroon ng mga foundation na tumutulong sa maraming nangangailangan.
Chika pa ng aming source, natutuwa naman si Jojo sa positive feedback sa kanyang Nandito Lang Ako songs at dahil sa magandang pagtanggap sa kanya sa music scene, balak din daw nitong i-revive ang Tamis ng Unang Halik at Pare, Mahal Mo Raw Ako na unang pinasikat ni Michael Pangilinan.
Hmmm… Hindi kaya ang sunod nating makitang kasama ni Jojo ay si Michael Pangilinan naman? Char!
Comments