ARA AT MISTER, EX NA SI PATRICK AT MISIS, SAMA-SAMA SA PICTURE
- BULGAR
- Nov 3, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | November 3, 2023

Positive vibes ang bigay ng Instagram post ni Ara Mina na kasama ang asawang si Dave Almarinez, ang anak na si Mandy, ang ex niya at tatay ni Mandy na si Patrick Meneses at ang wife nito nang sila’y manood ng Dear Heart concert.
May mga nag-comment na sana ay magaya sa kanila ng husband niya at ex niya at wife nito ang relasyon nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na maganda ang relasyon, magkakaibigan at okay na magpakuha ng litrato na magkakasama para walang ilangan sina Gabby at Sharon ‘pag nagkikita at nagkakasama sa stage.
May mga pumuri rin kay Ara dahil civil at naging friends sila ni Patrick, pati ng wife nito.
Ang ganda raw pagmasdan ang mga ganitong scenario at siguradong ang anak nila ni Patrick na si Mandy ang mas natutuwa.
Commentaires