ni Ambet Nabus @Let's See | June 22, 2024
Uy, sa pagkakakilala naman natin kay Ara Mina ay humihingi ito ng apology (o baka nakahingi na) sa pinag-uusapang paggamit ng phone at laptop sa gitna ng panonood sa isang play sa PETA.
Marahil ay na-overlook lang ni Ara at ng kaibigan nito ang policy o rule sa teatro kapag may live show.
Knowing Ara, hindi naman siya nagpapaandar o nagpapakakontrobersiyal para pag-usapan.
She for sure will owe to her mistake. Talaga naman kasing kahit saang anggulo tingnan, foul o mali ang ginawa nila ng kaibigan.
Samantala, naging kontrobersiyal nga lang ang isyu dahil umano imbes na maging humble ang friend ni Ara, tila nagmaasim pa ito.
At dahil si Ara ang kilalang celebrity, ito tuloy ang naging sentro ng bashing at nega reporting.
Comments