ni Gerard Peter - @Sports | March 3, 2021
Magiging pangunahing arsenal ng MJAS-Zenith Talisay Aqua Stars ang malalim na naipundar nitong team chemistry at balanseng line up upang maging isa itong paborito na magwagi ng inaugural tourney ng kauna-unahang Vis-Min Super Cup sa Abril 9 sa bubble set-up tournament sa tinaguriang “The Big Dome” ng municipality ng Alcantara, Cebu.
Pamumunuan ito ni dating University of the East standout at PBA player Paolo Hubalde, katulong sina Val Acuna, Patrick Cabahug, University of the Visayas Lancer star Tristan Albina, Darell Shane Menina, local stars Lugie Cuyos (UC), Kevin Villafranca (USJ-R), at Joshua de la Cerna (CIT-U).
Karamihan sa mga koponang bumubuo sa Aqua Stars ay mga miyembro rin ng Valenzuela Classics sa liga ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), kung kaya’t hindi na rin naging problema sa kanilang koponan ang makuha agad ang magandang samahan, kahit na sa online-virtual training lang ang mga ito nagkikita-kita ng madalas para magsanay.“This is a well-balanced team, if we are talking about the positions and experience, with a mixed of rookies and professionals. Maganda ang blend ng team, specially the local players, they are quite strong,” pahayag ni Team Manager Jon Santos, Martes ng umaga sa weekly PSA Forum webcast, kung saan kasama rin sa naturang programa sina team captain Hubalde at Puma PH, Senior Manager for Sales Marketing and Operations Mr. Michael Aldover.
“We know that everyone wants to win the inaugural title, but for us siguro we want to win it more, kase buo na kami since last year pa. Hindi man kami nagpa-practice ng face-to-face but yung chemistry ng team andun na and also, we’re not just a team, we’re a family,” saad naman ni Hubalde na planong dalhin ang veteran leadership at eksperyensya mula sa kanyang mga nakuhang malawak na kaalaman sa paglalaro sa San Miguel Beermen, Barangay Ginebra Gin Kings, Barako Bull Energy Boosters, Mahindra Enforcers, Petron Blaze, Global Port Batang Pier at championship run sa Alab Pilipinas sa ABL.
Nabuo ang kanilang koponan sa pag-aasam na makatulong ng malaki sa mga manlalarong naapektuhan ng matinding paghirap at kawalan ng trabaho dulot coronavirus disease (Covid-19) pandemic at lockdown noong isang taon. Ang naturang paliga rin ang nagbigay ng pag-asa sa mga manlalaro mula sa katimugan upang makilala at hindi na malayo sa kani-kanilang pamilya na nagnanais na makapasok sa mga professional ranks gaya ng PBA at iba pang liga tulad ng MPBL at ABL.
Comentários