ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 14, 2024
Photo: Seth at Francine Diaz - IG
Humahataw din sa promo ang My Future You (MFY) movie para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina Seth Fedelin at Francine Diaz.
May nakapagbalita nga sa amin na minsan daw ay nag-sleepover na diumano ang isa’t isa sa kanilang mga bahay, lalo’t may mga maaga at magkakalapit silang mga lugar o guesting na pupuntahan.
Although hindi naman sigurado ang aming source sa tsikang ito, matagal na rin namang nag-e-exist ang ganitong sistema at ina-allow ng respective families nila ang ganitong setup considering ‘yung time, traffic at comfort ng bawat isa.
Kaya’t kung may guesting sina Francine at Seth na nataong malapit sa mga bahay nila, iniimbita na o pinapayagan na umanong mag-sleepover ang isa’t isa, siyempre with their respective assistants o handlers o family member.
Napaka-practical nga naman at hindi pa magiging super-ngarag ang mga artista, ‘di ba?
Maganda at maayos nga namang pagsuporta ‘yan ng kanilang respective families sa career ng FranSeth (Francine at Seth), whose entry MFY is indeed the only entry na pinagbibidahan ng teen idols.
Nakakaloka talaga ang mga netizens sa husay nilang magkonek-konek ng mga kuwento about their idols.
Nang lumabas na nga finally ang mga seksing pictures ni Janine Gutierrez bilang Calendar Girl ng Asia Brewery at mga nakakalasing nilang produktong inumin, hayun na, wan-plus-wan na ang lahat.
Sey ng mga ito, “Pansinin ang common denominator ng mga inilunsad na Calendar Girls ng mga sikat na liquor companies, lahat sila, may Janine Gutierrez’ factor.”
Nauna kasing lumabas bilang 2025 Calendar Girl ng Ginebra brand si Julie Anne San Jose na napakaseksi nga sa kanyang mga poses.
Then, sinundan ito ni Kim Chiu bilang Calendar Girl naman ng Tanduay at super din ang mga revealing and sexy poses nito. At latest nga si Janine sa Asia Brewery, na hindi rin nagpakabog sa kagandahan, kaseksihan at awrahang model talaga.
Ang mga kasalukuyan kasing karelasyon nina Julie Anne at Kim ay kapwa naging boyfriend ni Janine, ayon sa mga nag-research na netizens.
Sina Rayver Cruz (now Julie Anne’s BF) and Paulo Avelino (diumano’y jowa rin ni Kim) ay kapwa-proud sa mga naglabasang sexy pictures ng mga respective GFs nila.
Pero habol naman ng netizen, “Uy, for sure naman, super proud din si Jericho Rosales sa ganda, sexy at husay mag-endorse ni Janine.”
BY 2025 nga ay mas magiging active na ang BLADE Auto Center (car accessories company) sa pagpo-produce ng movies.
Lalo ngayong naka-tie-up na sila sa Viva Films na nagre-release at nagdi-distribute nga ng mga nagawa nilang series online via Viva One.
Paliwanag pa ng producer-business head ng Blade na si Sir Robert Tan, never nilang naisip na pasukin ang film production pero dahil sa usaping ‘love stories’, naengganyo raw sila lalo’t umabot ng 25 million views ang mga series na nagawa nila since 2018 at noong pandemic.
Ang Last 12 Days ang third installment ng kanilang 12 Days to Destiny series na ginawa na nga nilang full-length movie starring Mary Joy Apostol at Akihiro Blanco sa direksiyon ni CJ Santos a.k.a. Jack Logan.
Bongga ang ginawang premiere screening ng The Last 12 Days dahil on time ang mga iskedyul nila mula sa red carpet, sa short program, sa raffle portion at pagpapalabas ng movie.
Nakakaengganyo silang suportahan kaya siguro hindi na nagdalawang-isip ang VIVA Entertainment big boss na si Boss Vic del Rosario na maging ka-collab nila ang BLADE sa mga nagawa na nitong movies and series and sa future pa nilang movie production.
Kilalang supporting actress si Mary Joy na napapanood namin sa mga ABS-CBN teleserye habang si Akihiro naman ay produkto ng artista search ng TV5 na kering-keri ang pagiging leading man.
Comments