top of page
Search
BULGAR

Aprub ang “flexi-work”

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 10, 2022


Pinapayagan na ng Civil Service Commission ang “flexi-work” sa mga opisina ng pamahalaan kahit pagkatapos ng pandemya.


Ayon sa CSC Resolution No. 2200209 na ipinroklama noong May 18, pinapayagan ang mga opisina ng pamahalaan na magpatupad ng flexible work arrangement basta’t masigurong patuloy na nakapagbibigay ng serbisyo mula alas-8: 00 ng umaga hanggang alas-5: 00 ng hapon.


Sinabi ng CSC na magkakabisa ang flexi-work sa June 15, o 15 araw mula publikasyon ng resolusyon nitong May 31.


Nasa 1.7 milyong government employee ang maaapektuhan ng bagong polisiyang ito.


☻☻☻


Kasama sa mga pinapayagang flexible work arrangements ang “flexiplace,” kung saan maaaring magtrabaho ang mga opisyal at empleyado sa labas ng opisina; compressed work week, kung saan maaaring paiksiin ng 4-araw mula 5-araw ang 40-hour work week; at skeleton workforce, kung saan may minimum na bilang ng empleyado na kailangan pumasok kung hindi posible ang full staffing.


Pinapayagan na rin ang work shifting para sa mga ahensiyang may mandatong mag-operate 24/7 o mga opisinang kailangang sumunod sa mga workplace health and safety protocol; flextime na pinapayagan ang mga empleyadong mag-report mula alas-7: 00 ng umaga hanggang alas-7: 00 ng gabi sa kondisyong makumpleto ang required 40-hour work week.


Maaari ring lumikha ang ahensiya ng kombinasyon ng flexi-work arrangement ayon sa naaangkop na mandato at tungkulin nito.


☻☻☻


Binago na ng pandemya ang work landscape, kung kaya’t nararapat lamang na matuto rin tayong mag-adjust.


Saludo tayo sa CSC sa pagpapatupad ng polisiyang para sa kapakanan ng mga empleyado.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page