ni Angela Fernando @Technology News | June 11, 2024
Ipinakilala ng Apple kamakailan ang "Apple Intelligence," na nagbibigay ng artificial intelligence sa software na nagpapatakbo sa kanilang mga gadgets at devices.
"Recent developments in generative intelligence and large language models offer powerful capabilities that provide the opportunity to take the experience of using Apple products to new heights," saad ni Apple chief executive Tim Cook.
Binigyang-diin din ng mga executive ng Apple na naglalaman ang Apple Intelligence ng mahigpit na seguridad upang mas bigyang kaalaman ang Siri digital assistant at iba pang mga produkto nito, nang hindi kinakailangang mangalap ng data mula sa users.
תגובות