ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 15, 2020
Sabi nila, “An apple a day keeps the doctor away,” ano kaya ang katotohanan sa kasabihang ito?
Sa lahat ng klase ng prutas, apple ang pinakamabili sa buong taon, kumbaga, ito best-selling fruit kung ang pag-uusapan ay ang sales for the whole year. Ito ay dahil bukod sa masarap ang apple, ito rin ay may medicinal benefits. Hindi man alam ng kumakain ng apple, may nakukuha silang pakinabang dito tulad ng pagsigla ang katawan at nawawala ang pananamlay.
Hindi rin namamalayan ng kumakain ng apple na habang kinakain niya ito, tumatalas ang kanyang isipan, as in, kasabay ng pagnguya ng apple, gumagana ang isipan sa positibong paraan, kaya hindi nakapagtataka na ang may matataas na katungkulan sa malalaking kumpanya o negosyo ay may apple sa kanilang opisina.
Samantala, hindi lang naman for the mind ang apple dahil totoo rin ang sinasabi na super-healthy ng apple sa katawan. Narito ang health benefits ng mansanas.
Ang isang medium-sized apple ay nagtataglay ng mga sumusunod:
Calories: 95
Carbs: 25 grams
Fiber: 4 grams
Vitamin C: 14% of the Reference Daily Intake (RDI)
Potassium: 6% of the RDI
Vitamin K: 5% of the RDI
2 to 4% of the RDI for manganese, copper, and the Vitamins A, E, B1, B2 at B6.
Bukod sa mga nabanggit sa itaas, narito pa ang ilang benepisyo ng apple:
Ang pagkain ng apple araw-araw ay nagpapababa ng timbang, kaya ito rin ay ang paborito ng mga nagda-diet.
Good for the heart din ang apple dahil mayroon itong fiber na tumutulong para bumaba ang cholesterol levels.
Ang polyphenols ng apple ay antioxidant na panlaban sa cancer-causing substance at ito rin ay may malaking tulong sa mga diabates.
Ang flavonoids sa apple ay nakapagpapababa ng blood pressure.
Muli, bukod sa masarap ang apple, ito rin ay napakaraming health benefits kaya why not eat apple every day?
Dagdag-kaalaman: Ang pinatuyong balat ng apple ay inilalagay sa malinis na bote dahil ito ay lunas sa pagtatae o sakit ng tiyan kapag hindi natunawan.
Good luck!
Comments