ni Angela Fernando @Tech News | June 24, 2024
Tinalakay ng Meta Platforms nitong Linggo, parent company ng Facebook, ang pagsasanib-puwersa ng kanilang generative Artificial Intelligent (AI) model sa bagong inanunsyong AI system ng Apple para sa iPhones.
Ito ay kasabay ng mga plano ng Apple na magbukas ng mga bagong tab at pagkakataong magdagdag ng mga AI mula sa iba pang mga kumpanya sa kanilang mga device.
Magugunitang nakikipag-ugnayan din ang nasabing kumpanya sa kanilang search partner na Google.
Inaasahan din na tatalakayin nila ang pakikipagtulungan sa iba pang mga kumpanya ng AI sa iba't ibang rehiyon tulad ng China, kung saan ang OpenAI chatbot na ChatGPT na suportado ng Microsoft ay ipinagbabawal.
Comments