ni Angela Fernando @Tech News | June 15, 2024
Posibleng maharap sa mga kaso ang Apple at Meta Platforms dahil sa hindi pagsunod sa bagong mga regulasyon ng European Union (EU) na naglalayong pigilan ang kapangyarihan ng mga tech giants, ayon sa mga sources na may direktang kaalaman sa usapin.
Ito ay ang parehas na European Commission na nagsagawa ng mga imbestigasyon sa Google nu'ng Marso, sa ilalim ng Digital Markets Act (DMA).
Tinitingnan din nila ngayon ang Apple at Meta bilang mga pangunahing kaso sa harap ng bagong tech rules ng EU.
Nais ng nasabing DMA na magbigay ang malalaking technology companies ng puwang para sa mas maliliit na kakumpitensya at gawing mas madali para sa mga tao o users na tingnan ang iba't ibang serbisyo mula sa magkakaibang kumpanya tulad ng mga social media platform, internet browsers, at app stores.
Tumanggi namang magkomento ang Commission at Meta habang tinumbok ng Apple ang kanilang pahayag nu'ng Marso kung saan sinabi nilang kumpiyansa sila na ang kanilang plano ay hindi labag sa DMA at patuloy ang pakikipag-ugnayan nila ukol dito.
Comentarios