top of page
Search
BULGAR

App para makatulong sa paghahanap ng voter registration site, inilunsad

ni Jasmin Joy Evangelista | September 13, 2021



Binuo ng By Implication group ang app na Sakay.ph para makatulong sa mga taong nalilito sa kung saan sila dapat pumunta para magparehistro sa susunod na halalan.


Tinawag na Sakay.ph Arturo ang bagong app, na maaaring ma-access sa pamamagitan ng Sakay.ph app o sa rehistro.sakay.ph.


“Ang daming barriers sa pagre-register... lockdowns, ang daming problema sa COVID ngayon. Isang malaking problema ng tao, 'Saan ako magre-register? Hindi ko alam ang proseso,'" sabi ni By Implication co-founder Kenneth Yu.


Sa app, kailangan lang i-type ang iyong address at ipapakita na nito ang mga pinakamalapit na voter registration location pero dapat ang piliin umano ay iyong kung nasaang siyudad ang magpaparehistro.


Ipapakita rin nito kung saan mahahanap ang opisina at mga puwedeng tawagang numero.


May “Get Checklist” na option kung saan makikita ang mga paalala bago magparehistro.


Sa “Navigate with Sakay” naman, ipapakita ang iba't ibang paraan ng pag-commute, maging ang presyo ng pamasahe, papunta sa registration location.


Ayon sa grupo, malaking hamon sa kanila ang pabago-bagong restrictions sa Metro Manila kaya todo-tutok sila sa bawat detalye o pagbabago para mai-update sa app.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page