top of page
Search

Apo ni Osang na si Gab, kuya na… JOLO, TATAY NA ULI SA MISIS NA SI ANGEL

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 27, 2023



Tatay na uli si Cong. Jolo Revilla!!!


Kasabay ng kaarawan ng misis ni Cong. Jolo na si Angel Revilla kahapon, Aug. 2, inanunsiyo ng Rosario, Cavite representative ang pinakamagandang regalo sa kanilang mag-asawa — ang pagkakaroon ng kanilang first baby!


Kaya naman double celebration talaga ito para sa kanilang pamilya at ganu'n na lang ang kagalakan ni Cong. Jolo na matapos ang ilang taong pagsasama nila ni Angel, magkakaanak na sila.


Matatandaang unang nagkaanak si Cong. Jolo sa ex-GF na si Grace Adriano na anak ni Rosanna Roces.


Binata na rin ngayon si Gab na unang apo nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.


Part ng statement ni Cong. Jolo, "Madami kaming kinaharap na mga problema mula nang kami ay ikinasal pero ang lahat ng ito ay aming nalagpasan at nangibabaw ang aming pagmamahal sa isa't isa. Kaya naman, lubos-lubos ang aming pasasalamat at kasiyahan na ipaalam sa inyo na ilang buwan na lang ay isisilang na ang aming supling.


"Excited na kaming dalawa sa aming journey bilang pamilya at mas lalo kaming excited na ikuwento ang journey ng aking asawa bilang INA. At siyempre, super excited kaming malaman kung ano ang gender ng aming magiging anak."


Thankful din si Cong. Jolo dahil bukod sa good news na ito, hinirang din siyang No. 1 Top Performing Congressman sa CALABARZON. Kaya naman, pramis ng dating aktor-kongresista, susuklian niya ang mga biyayang ito ng walang katapusang pagseserbisyo at pagmamahal sa kanyang mga kababayan.


Abangan natin ang gender reveal nina Jolo at Angel.


Congrats sa Bautista-Revilla couple!!!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page