top of page
Search
BULGAR

Aplikasyon sa SSS short-term member loan Condonation Program, online!

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 11, 2021





Hello, Bulgarians! Ang mga member-borrower na may past due short-term loan ay maaaring mag-apply para sa Social Security System’s (SSS) Penalty Condonation Program sa pamamagitan ng online gamit ang kanilang My.SSS account mula Nobyembre 15, 2021 hanggang Pebrero 14, 2022.


Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na ang Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP) ay bahagi ng Pandemic Relief and Restructuring Programs na iniaalok ng SSS.


“We continue to respond to the needs of our members who were greatly affected during this pandemic. Through the STMLPCP, SSS offers conditional loan condonation by waiving their accumulated penalties once their loan principal and interest are fully paid,” sabi ni Ignacio.


Kasama sa programa ang mga may outstanding Salary, Calamity, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency Loans at Restructured Loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggang 2019.


Ang mga kuwalipikadong mag-apply ay ang mga sumusunod:


· Miyembrong may short term loan na lampas na sa takdang panahon ng hindi bababa sa anim na buwan mula sa unang araw ng pagtanggap ng condonation;


· Miyembrong hindi nabigyan ng anumang panghuling benepisyo tulad ng disability o retirement;


· Miyembrong hindi na-disqualify dahil sa pandaraya na ginawa laban sa SSS;


· Miyembrong maghahain ng kanilang panghuling aplikasyon sa benepisyo para sa disability o retirement, na ang contingency date ay bago o sa huling araw ng availment period ng condonation program;


· Tagapagmana o benepisaryo ng mga yumaong miyembrong umutang na maghahain ng aplikasyon para sa death benefit, na ang contingency date ay bago o sa huling araw ng availment period ng condonation program; at


· Para sa mga member-borrower na magbabayad ng kanilang pinagsama-samang loan sa ilalim ng installment basis, ang kanilang edad, dapat wala pang 65 taong gulang sa pagtatapos ng installment term.


“We encourage our member-borrowers to avail of our short-term member loan condonation program. With this program, they can update their loans and avoid further accumulation of penalties,” dagdag ni Ignacio.


Ang iba pang mga tuntunin at kondisyon sa ilalim ng loan penalty condonation ay maaaring tingnan sa SSS Circular No.2021-014 na maaaring ma-access sa pamamagitan ng link na itohttps://bit.ly/3GEzwhf.

Para sa tamang impormasyon at update sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at sundan ang SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System,” Instagram sa “mysssph,” Twitter at “PHLSSS,” sumali sa Viber Community nito sa “MYSSSPH Updates,” o bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page