top of page
Search
BULGAR

Apela ng PH gov't., tablado.. Imbestigasyon sa drug war ni Duterte, tuloy — ICC

ni Madel Moratillo @News | July 19, 2023




Tuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng Duterte administration.


Ito ay matapos ibasura ng Appeals Chamber ng ICC ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na kumukontra sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa drug war ng nakaraang administrasyon.


Mayorya ng mahistrado ang pabor na imbestigahan ang war on drugs, dalawa naman ang tutol, kasama ang presiding judge ng ICC Appeals Chamber na si Marc Perrin De Brimchambaut.


Hindi tinanggap ng chamber ang argumento ng Pilipinas na nagkamali ang ICC dahil wala nang hurisdiksyon dito ang International Court mula nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute.


Nagkamali rin umano ang Pilipinas nang hindi nito inilatag nang maayos at natalakay nang sapat ang isyu sa Pre-Trial Chamber. Kasama rin sa ibinasura ng chamber ang argumento ng Pilipinas na nagkaroon din ito ng mga imbestigasyon at prosekusyon sa Pilipinas laban sa mga sangkot sa war on drugs.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page