top of page
Search
BULGAR

Apela ng nag-aakusa, dapat dumaan at may pahintulot ng OSG

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 3, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nahatulan na walang sala ang aking asawa sa kasong Theft, subalit nagsampa ng motion for reconsideration ang nagreklamo sa kanya ng pagnanakaw. Na-dismiss ang kanyang motion sapagkat ginawa niya ito nang walang abiso at pagsang-ayon ng Office of the Solicitor General. Nang ibasura ito ng korte, isinaad ng hukom na ang nag-aakusa ay testigo lamang at ang tunay na partido na may interes sa kasong kriminal ay ang Estado. Inakyat niya ang kaso sa Court of Appeals, na pareho rin ang naging desisyon. Sa ngayon, inakyat muli niya ang apela sa Korte Suprema. Tama ba ang pag-dismiss sa apela ng nag-aakusa? -- Johann


 

Dear Johann,


Ang iyong katanungan ay nasagot ng Kataas-taasang Hukuman sa kaso ng Mamerto Austria vs. AAA and BBB (G.R. No. 205275, 28 June 2022, na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Mario V. Lopez). Ayon sa Korte Suprema:


“In any criminal case or proceeding, only the OSG may bring or defend actions on behalf of the Republic of the Philippines, or represent the People or State before the Supreme Court (SC) and the CA. This is explicitly provided under Section 35(1), Chapter 12, Title III, Book III of the 1987 Administrative Code of the Philippines, thus: xxx


The rationale behind this rule is that in a criminal case, the state is the party affected by the dismissal of the criminal action and not the private complainant. The interest of the private offended party is restricted only to the civil liability of the accused. In the prosecution of the offense, the complainant’s role is limited to that of a witness for the prosecution such that when a criminal case is dismissed by the trial court or if there is an acquittal, an appeal on the criminal aspect may be undertaken only by the State through the OSG. The private offended party may not take such appeal, but may only do so as to the civil aspect of the case. Differently stated, the private offended party may file an appeal without the intervention of the OSG, but only insofar as the civil liability of the accused is concerned. Also, the private complainant may file a special civil action for certiorari even without the intervention of the OSG, but only to the end of preserving his or her interest in the civil aspect of the case. Hence, the Court dismissed for lack of legal standing or personality the appeals or petitions for certiorari filed by the private offended parties before the SC and CA, without the consent or conformity of the OSG, questioning the dismissal of the criminal case or acquittal of the accused.”  


Ayon sa nasabing desisyon, ang partidong may interes sa isang kasong kriminal ay ang Estado at ito ay maaari lamang na irepresenta ng Office of the Solicitor General (OSG). Ang interes ng isang pribadong nagrereklamo ay limitado sa sibil na aspeto nito. Tanging ang OSG lamang ang maaaring magsampa ng motion for reconsideration sa pagpapawalang-sala sa akusado.


Ito ay dahil itinalaga ng Estado, sa pamamagitan ng batas, ang OSG bilang legal na kinatawan nito. Ang pagtiyak na ang taong lumalabag sa batas ay dapat maparusahan ay interes na hindi limitado sa isang indibidwal. Ang Estado ay dapat tiyakin na lahat ng tao ay sumusunod sa batas at ang mga gumagawa ng krimen ay dapat parusahan.


Dahil dito, maaaring ibasura ng Korte Suprema ang apela na inihain sa kanila ng nag-aakusa sa iyong asawa, dahil wala itong pahintulot at pagsang-ayon ng OSG.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page