top of page
Search
  • BULGAR

Apektado sa global outage… AI AI, NATULOG SA SAHIG NG AIRPORT

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 21, 2024


Showbiz News
Photo: Aiai Delas Alas / FB

Isa si Ai Ai delas Alas sa maraming naapektuhan ng Microsoft global outage nitong nakaraang Biyernes, July 19. Na-delay ang kanyang flight at kinailangang matulog sa airport.


Nasa Charlotte International Airport sa United States ang komedyana nang magkaroon ng worldwide outage kung saan, ang pinakamalaking naapektuhan ay ang mga paliparan at bangko sa iba’t ibang panig ng mundo.


Ipinost ni Ai Ai sa Facebook (FB) ang video kung saan ay makikitang nasa airport siya kasama ang anak na si Sophia. Pareho silang nakasalampak sa sahig pero maya-maya ay humiga na si Ai Ai sa lapag kung saan ay nakalatag na ang kanyang baong unan at kumot.


“Dahil sa software global outage na ‘to, humiga na lang ako sa sahig sa Charlotte International airport. Salamat at may dala ako kumot at unan,” sey ng Comedy Queen sa caption.


“Salamat sa Diyos kasama ko aking baby girl Sophia Delas Alas, s’ya ang nag-asikaso ng flight and luggages namin, techi-techi (taong maraming alam sa teknolohiya) s’ya. Sabi ko sa kanya 'Kung wala ka, iiyak na lang ako,'” aniya pa.


Dahil sa nangyari ay ibinahagi ng aktres ang moral lesson na natutunan.


“Moral lessons sa pangyayari, ‘wag bumiyahe mag-isa lalo na ‘pag ‘di ka naman magaling sa mga computer na online, ” dagdag niya.


Isa pang moral lesson ay huwag daw ilagay sa maleta ang pagkain dahil sa kaso niya ay nagkandagutum-gutom siya.


“‘Wag ilagay sa maleta ang food ko (hindi sa carry on ko nakalagay, inilagay ko sa check in. Shunga-shunga ko, super Tom Jones (gutom) na akey) at ‘wag mawawala ang kumot at unan (smiley emoji)," sey niya.


Papuntang North Carolina si Ai Ai para sa isang commitment at bagama’t nakarating din naman sila nang safe and sound, naloloka pa rin siya sa nangyari.


“Salamat Lord, sana makarating na 'ko sa North Carolina. ‘Wag tayong susuko, by land, nand’yan na kami after 4 hours. Salamat at sinundo na lang kami ni Glenn @umacnc baka kasi ma-cancel, hindi na naman kami makarating sa North Carolina. Nakakalerky ang nangyayari sa mundo,” esplika niya.


Kahapon nang umaga ay muling nag-post ng video si Ai Ai at ipinakitang okey na okey na siya at fresh na fresh na muli matapos ang dusang naranasan.


“Mula sa sufferings dulot ng microsoftware outage sa airport, eto ako, bumabangon muli. ‘Di nagpatalo ang katawang lupa ko sa sufferings. Laban (laughing emoji) o beauty talk pa more, fresh 'yan ahhh dulot ng @mcaesthetics, gandang walang foundation day. Lipstick lang at eyelash plus tungkil laban na!!!” sey ni Ai Ai.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page