ni Angela Fernando - Trainee @News | March 22, 2024
Naghain ng dalawang panukalang batas sa Senado na naglalayong protektahan ang creative industry laban sa online piracy.
Ang Senador na sina Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr. ang naghain ng Senate Bills 2150 at 2385.
Paliwanag ni Estrada sa kanyang inihaing SB 2150, malala na at talamak ang pamimirata sa bansa at humahadlang ito sa pag-unlad ng likhang ekonomiya na nagdudulot din ng pagkawala ng trabaho ng mga manggagawa sa industriya.
Samantala, inihain ni Revilla ang SB 2385 upang palakasin ang Intellectual Property Office of the Philippines na nagbabawal sa pag-access sa mga site na lumalabag sa karapatan ng may-ari ng copyright.
Comments