ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 12, 2024
Photo: Kim Chiu - Instagram
Binisto ni Vice Ganda na may dyowa na si Kim Chiu habang nasa stage ang group ng It’s Showtime (IS) hosts sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special 2024.
Walang nagawa si Kim nu’ng binukelya siya ni Vice nu’ng dumalaw sa dressing room ni Chinita Princess ang bago niyang dyowa, na nagtangka pa raw mag-disguise para hindi makilala.
Pambubuking ni Vice kay Kim, “Suspek! Suspek! Ayaw pang ilabas ang dyowa n’ya kasi ipapa-feng shui muna.”
Pagkatapos ay naghabulan on stage sina Kim at Vice. But after maghabulan ay nagdagdag pa ng another information si Vice tungkol sa dyowa raw ni Kim.
“Pagkatapos, may dumalaw sa dressing room. Naka-cap, nakatakip ang mukha. Akala mo, hindi makikilala, eh, taga-ABS din naman,” hirit pa ni Vice.
Sagad na clue nito, “Nagtago ka pero sa ABS ka nagpunta, eh, taga-ABS ka rin?!”
For sure, your guess is as good as mine kung sino ang sinasabi ni Vice na dyowa ni Kim.
Malamang si Paulo Avelino ang tinutukoy ni Vice, ‘di ba?
Anyway, mapapanood ang pambibisto ni Vice Ganda kay Kim Chiu sa two-part ABS-CBN Christmas Special 2024 on December 14 and 15, 8:30 PM on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at sa A2Z.
Kung ang ibang endorsements, nag-alisan na…
DRA. BELO, NEVER BIBITAWAN SI MARIS
Humanga ang mga netizens kay Dra. Vicki Belo sa suportang ibinigay niya kay Maris Racal.
Despite the controversy na kinasangkutan ni Maris, buo pa rin ang tiwala at pagmamahal ni Dra. Vicki sa Kapamilya star bilang isa sa kanyang Belo endorsers.
Unlike Maris' other endorsements na tinanggal na siya bilang endorser, nananatili pa rin ang aktres bilang Belo baby. Katunayan, nakatayo pa rin ang malalaking billboards ng Belo Q Facial kung saan ang mukha ni Maris ang nakalagay.
Binati rin namin si Dra. Vicki na hindi iniwan sa ere si Maris bilang one of her endorsers and how kind-hearted she is.
Kung iba lang 'yan, malamang laglag na rin si Maris Racal as endorser sa napakalaking brand gaya ng Belo Medical Group. Pero gaya nga ng sabi ni Dra. Vicki sa amin, Belo Medical Clinic is not just a brand, they’re family.
Sabi ni Dra. Vicki, “People are so mean to her. As Jesus said, 'Let the person with no sin cast the first stone.'”
Oo nga naman.
NAGPUNTA nga ba si Mercedes Cabral sa Switzerland pagkatapos mamatay ang karakter niya bilang si Lena sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ)?
Sa latest post ni Mercedes sa kanyang IG six days ago ay may video at nakalagay under her account name ang place kung saan naroroon siya which is Verbier, Switzerland.
Anyway, isang video ng pasasalamat at pamamaalam ni Mercedes ang nasilip namin na naka-post sa Instagram ng CCM Film Production ni Coco Martin recently.
Say ni Mercedes sa video, “Nagpapasalamat lang ako sa lahat. Lahat kayo, may parte kung bakit ko nabuo si Lena. Kaya maraming-maraming salamat sa inyong lahat.”
May madamdaming mensahe naman para kay Mercedes na ipinost ang production team ni Coco.
Sa caption ng IG post na video ng aktres, nakasaad na: “Nakatatak na ang pangalang Lena sa FPJ’s Batang Quiapo! At ito ay dahil sa iyong napakahusay na pagganap, Mercedes Cabral!
“Tiyak na mami-miss ka ng ating mga Ka-Batang Quiapo at ng buong CCM Film Productions! Hanggang sa muli! Good luck!”
Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Comments