top of page

Ano ba ang notice of lis pendens?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Apr. 23, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Plano naming mag-asawa na bumili ng lupa. Ipinakita naman sa amin ang titulo. Napansin naming may annotation na notice of lis pendens. Ano ba ito? — Mavy


 

Dear Mavy,


Ang “lis pendens” ay isang terminong Latin na literal na nangangahulugan ng “nakabinbin na kaso.”  Sa kasong Spouses Conrado and Ma. Corona Romero vs. Court of Appeals and Saturnino S. Orden (G.R. No. 142406, 16 Mayo 2005) tinalakay ng ating Korte Suprema, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Alicia Austria-Martinez, ang katangian at layunin ng isang notice of lis pendens:


Lis pendens, which literally means pending suit, refers to the jurisdiction, power or control which a court acquires over property involved in a suit, pending the continuance of the action, and until final judgment. Founded upon public policy and necessity, lis pendens is intended to keep the properties in litigation within the power of the court until the litigation is terminated, and to prevent the defeat of the judgment or decree by subsequent alienation. Its notice is an announcement to the whole world that a particular property is in litigation and serves as a warning that one who acquires an interest over said property does so at his own risk or that he gambles on the result of the litigation over said property.


The filing of a notice of lis pendens has a two-fold effect: (1) to keep the subject matter of the litigation within the power of the court until the entry of the final judgment to prevent the defeat of the final judgment by successive alienations; and (2) to bind a purchaser, bona fide or not, of the land subject of the litigation to the judgment or decree that the court will promulgate subsequently.


Alinsunod dito, inihahain ang notice of lis pendens bilang babala sa lahat ng mga tao na ang titulo sa ari-arian ay paksa ng paglilitis sa korte. Layunin nito na panatilihin ang nasabing ari-arian sa loob ng kapangyarihan ng hukuman upang maiwasan na mawalan ng kabuluhan ang magiging hatol sa kaso. Kung kaya, ang isang taong bibili sa nasabing ari-arian o kukuha ng interes dito ay sumusugal sa resulta ng nasabing paglilitis.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page