@Buti na lang may SSS | September 12, 2021
Dear SSS,
Ako ay sales professional na nagtatrabaho sa Makati. Kamakailan ay napanood ko sa Facebook page ng SSS ang paglulunsad ninyo ng uSSSap Tayo Portal. Ano at paano ba ito gamitin ng mga miyembrong tulad ko? – Lina
Sagot
Mabuting araw sa iyo, Lina!
Ang paglulunsad ng SSS Customer Relationship Management System (CRMS) o mas kilala sa uSSSap Tayo portal ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-64 taong anibersaryo ng SSS na may temang, “Handog sa Miyembro, Serbisyong Makabago.” Sumisentro ang pagdiriwang ng SSS ngayong taon para sa mas pinabilis, pinasimple at pinadaling pakikipagtransaksiyon sa SSS sa ilalim ng brand campaign nito na expreSSS kung saan gamit ang makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng lalong pinahusay na online service facilities nito.
Batid nating ang SSS ay kabilang sa mga institusyon ng pamahalaan na tumatanggap ng mas maraming bilang ng transaksiyon mula sa mga miyembro nito, tulad ng mga katanungan sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, text messages, e-mail, mensahe sa Facebook at iba pa. Dahil sa kasalukuyang umiiral na community quarantine protocols, limitado ang galaw ng ating mga miyembro, gayundin ng ating mga empleyado kaya sa pamamagitan ng automated na feedback scheme ay mas matutugunan ng SSS ang bawat katanungan at mga reklamo na maaaring idulog sa nasabing portal.
Ang uSSSap Tayo Portal may tatlong bahagi: Knowledgebase Articles, Frequently Asked Questions (FAQs) at View and Submit Tickets. Sa Knowledgebase Articles, makikita mo rito, Lina ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa lahat ng programa at serbisyo ng SSS gaya ng gabay sa mga bagong miyembro, hakbang sa mgaproseso at pagtatama sa mga maling impormasyon hinggil sa kanilang SSS membership. Nandito rin ang mga instructional videos na maaaring panoorin at sundan bilang gabay sa mga online service applications na iyong isasagawa tulad ng pagpa-file ng maternity, unemployment, retirement, funeral benefits at pati na rin ng salary loan applications.
Sa Frequently Asked Questions (FAQs), dito makikita ang mga sagot sa mga karaniwang itinatanong ng mga miyembro tungkol sa mga programa at serbisyo ng SSS. Samantala, sa View and Submit Tickets, ito ay maaari mong gamitin kung ikaw ay may karagdadang katanungan o nais mag-follow-up sa SSS. Maaari ring i-check ang status ng iyong follow-up.
Samantala, maaari ring i-access ang uSSSap Tayo portal sa pamamagitan ng crms.sss.gov.ph. Gumawa lamang ng sariling account sa Members Portal. Sunod, mag-log-in dito gamit ang sariling username at password. Kapag nakalog-in na, gumawa ng ticket batay sa nais malaman sa SSS. I-click ang CAPTCHA para sa web security. Matapos ito, maaari nang makita ang status at history ng iyong tickets o kaya’y gumawa ng bagong ticket para sa iba pang concerns.
◘◘◘
Nais naming ipaalam sa mga retirement pensioners na bukas pa rin ang Pension Loan Program (PLP) ng SSS para sa kanilang panandaliang pangangailangang pampinansiyal. Simula Setyembre15, 2020, maaaring mag-sumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng My.SSS na matatagpuan sa SSS website (www.ss.gov.ph). Kinakailangan lamang mag-log in ang retiree-pensioner sa kanyang My.SSS account at piliin ang E-services sa tab nito at i-click ang “Apply for Pension Loan.” Punan ang lahat ng hinihinging impormasyon at isumite ang aplikasyon. Makahihiram kayo ng hanggang P200, 000 bilang maximum loanable amount na maaaring bayaran ng hanggang 24-months o dalawang taon.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”
Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.
Comments