ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | October 11, 2020
Dear Doc. Shane,
Okay lang ba kahit hindi ako regular na dumudumi? Minsan kasi kada dalawa o tatlong araw bago ako makadumi. Ano ba ang sanhi ng hindi madalas o regular na pagdumi? Ano ang dapat inumin o kainin bukod sa gulay? – Veronica
Sagot
Ang constipation o pagtitibi ay kadalasang nangyayari dahil sa kakulangan sa iniinom na likido sa katawan.
Kapag hindi regular ang pagdumi, ang water content ng dumi ay sinisipsip ng ating bituka. Kung mas matagal na hindi naglalabas ng dumi, mas nagiging mahirap ilabas ito sapagkat parang tuyung-tuyo ito.
Ano ang sanhi nito?
Diet na kakaunti ang gulay at prutas
Sakit sa mismong bowel, almoranas
Pagbabalewala sa sumpong nang pagdumi/katamarang dumumi
Matagal na bed rest dahil sa pagkakasakit
Kakulangan ng ehersisyo
Ano ang mabuting gawin kung madalas nagtitibi?
Kumain ng maraming prutas, tinapay o cereals. Ang pinatuyong prutas tulad ng prunes at pasas ay mabisa, pati na ang papaya.
Damihan ng inom ng tubig o fruit juices (anim hanggang walong baso), mainam ang prune juice.
Gawing regular ang oras ng pagdumi.
Mag-ehersisyo o maglakad matapos kumain.
Comments