top of page
Search
  • BULGAR

Anne Curtis, binalikan ang T.G.I.S. days

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 23, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: 90's Kabaklaan / IG

Binalikan ng aktres at It's Showtime TV-host na si Anne Curtis sa kanyang Instagram post ang T.G.I.S. days niya at ibinahagi ang dating promotional photos nito nu'ng 2000 kasama ang dating aktor na si Chubi del Rosario.


"The only 'love team' I ever had," saad ni Anne sa post.


Ipinost ng isang sikat na IG account na '90s Kabaklaan' ang larawang ini-reshare ni Anne. May kasama pa itong kanta ng M2M.


Kitang-kita ang saya ni Anne sa very nostalgic na alaala, kaya't nag-iwan siya ng red heart emojis sa post at nagbahagi pa ng kaunting trivia na dati raw niyang pang mall show ang kantang ginamit ng IG user.


Maraming netizens naman na naabutan ang T.G.I.S. ang todo-reminisce rin sa comment section at nagpaabot ng kanilang pagka-miss sa afternoon series.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page