ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 2, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/1ae136_e4d6fc97013045a49f3fc2403b41dd18~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/1ae136_e4d6fc97013045a49f3fc2403b41dd18~mv2.jpg)
Isasara ang Angat Hydro-Electric Powerplant (AHEPP) mula ika-6 ng Nobyembre 2023 hanggang ika-6 ng Enero 2024, para sa pagsasaayos at rehabilitasyon.
Kinakailangan ang 61-araw na pagsasara ng AHEPP upang palawigin ang buhay ng planta at tiyakin ang patuloy na suplay ng tubig para sa domestic consumption at irigasyon, ayon sa pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Maynilad, at Manila Water.
Dahil nasa 209.48 metro ang dam, na malapit na sa normal high-Water Level (NHWL) na 210 metro, sinabi ng MWSS na dapat maging patuloy ang suplay ng tubig sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Rizal sa buong panahon ng pagsasara.
Sinabi ng MWSS, Maynilad, at Manila Water na kanilang nilikha ang mga alituntunin para sa operasyon ng spillway at low-level outlet ng Angat Dam.
Sinabi rin nila na sumang-ayon sa mga alituntunin ang National Water Resources Board (NWRB), National Power Corporation (NPC), at National Irrigation Administration (NIA).
Comentários