top of page
Search
BULGAR

Angat Dam, malapit na sa target elevation

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 31, 2023




Nakapagtala ng pag-akyat sa antas ng tubig sa Angat Dam, ang pinagmumulan ng malinis na tubig at enerhiya para sa Metro Manila, ayon sa ulat ng Maynilad Water Services, Inc.


Sa isang pahayag, iniulat ng Maynilad na umabot sa 209.20 metro ang antas ng Angat Dam, na 0.67 metro mas mataas kaysa sa tala noong nakaraang linggo.


Sa pagkukumpara, noong nakaraang pagsusuri, nasa 208.53 metro ang antas ng dam na mas mataas kaysa sa minimum na antas na 180 metro para sa operasyon nito.


Malapit na sa target elevation na itinakda ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kasalukuyang antas ng tubig sa Angat Dam na inaasahan na nasa pagitan ng 210 metro at 212 metro sa pagtatapos ng taon.


Kapag naabot na ng dam ang target, sinabi ng Maynilad na makakatulong ito sa pagtugon sa pangangailangan ng tubig, lalo na sa panahon ng El Niño.


Samantala, nananatili sa antas na 100.58 metro ang tubig sa Ipo Dam, na matatagpuan 7.5 kilometro pababa mula sa Angat, mula pa noong nakaraang linggo.


Inihinto rin ng Maynilad ang pansamantalang mga pahinto-hinto na serbisyo ng tubig sa Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City, at Valenzuela hanggang sa magkaroon ng karagdagang abiso.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page