by Info @Brand Zone | May 30, 2024
Sa layuning patibayin ang proteksyon ng mga mamimili sa digital na platform, sinimulan ng SM Supermalls, kasama ang ilang ahensya ng gobyerno, mga grupo ng adbokasiya, at Meta, ang isang makasaysayang inisyatiba na nagtutugma sa kampanyang "Be WAIS at Magduda" laban sa pandaraya at scams.
(Mula kaliwa): Meta Vertical Lead Gino Pineda, SM Supermalls’ President Steven Tan, United States Agency for International Development (USAID) Deputy Director for Economic Development and Governance Eric Florimon-Reed, CitizenWatch Co-Lead Convener Kit Belmonte, Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, Meta Head for Public Policy Claire Amador, Bayan Academy Chairman Jay Bernardo, Department of Information and Communications Technology (DICT) Cybersecurity Advocacy and Events Lead Christine Apple Pre, Meta Head of Asia-Pacific (APAC) Policies and Campaigns Shanti Alexander, Securities and Exchange Commission (SEC) Commissioner Bryant Fernandez, at Department of Trade and Industry (DTI) Officer-in-Charge of Consumer Advocacy Vivian Alacardo
Ang launch event, na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall noong ika-11 ng Mayo, ay nagsilbing simula ng isang masinsinang pagpupunyagi na pinangungunahan ng mga grupo ng adbokasiya, Bayan Academy at CitizenWatch Philippines, upang magpalaganap ng kaalaman tungkol sa mga panganib ng online fraud at magbigay sa mga tao ng mga kaalaman upang iwasan ang mga mapanlinlang na aktibidad na karaniwang nagaganap sa mga digital na platform.
Kinumpirma ng SM Supermalls ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagpapatibay ng mensahe ng kampanya. “SM's partnership with Meta, advocacy groups, and the government sector is one of our efforts to create a digital space as secure as our physical malls, and we are proud to amplify the Be WAIS message to protect Filipinos from these online dangers,” sabi ni SM Supermalls’ Senior Vice President for Marketing Joaquin San Agustin.
SM Supermalls’ Senior Vice President for Marketing Joaquin San Agustin
Department of Trade and Industry (DTI) Office-in-Charge of Consumer Advocacy Vivian Alacardo
Department of Information and Communications Technology (DICT) Cybersecurity Advocacy and Events Lead Christine Apple Pre
Ang Pilipinas ang nanguna sa listahan ng mga rate ng online shopping scam sa 2023 Asia Scam Report, isang survey na isinagawa ng Global Anti-Scam Alliance sa pakikipagtulungan sa kumpanyang tech security mula sa Taiwan na Gogolook.
Securities and Exchange Commission (SEC) Commissioner Bryant Fernandez
Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac
Ang multi-sektoral na pakikipagtulungan ay patunay sa kanilang di-matitinag na pangako na patibayin ang digital safety at pangalagaan ang mga mamimili mula sa malaganap na banta ng online scams.
Bayan Academy Chairman Jay Bernardo
CitizenWatch Philippines Co-Lead Convener Kit Belmonte
Meta Head of Asia-Pacific (APAC) Policies and Campaigns Shanti Alexander
United States Agency for International Development (USAID) Philippines Deputy Director for Economic Development and Governance Eric Florimon-Reed
Ang kampanyang "Be WAIS at Magduda" ay isang panawagan sa mga Pilipino na mag-ingat sa kanilang mga online transaction, sa pamamagitan ng pagpupunyagi ng SM Supermalls upang baguhin ang larangan ng digital na pamimili at itaguyod ang isang mapagkakatiwalaang online ecosystem para sa lahat.
Ang Filipino pop rock band na The Juans ay magpe-perform sa paglulunsad ng kampanyang Be WAIS at Magduda.
Upang malaman ang higit pa tungkol sa mga pagsisikap ng SM Supermalls sa pagpapatibay ng kapakanan ng mga mamimili, bisitahin ang www.smsupermalls.com o sundan ang @SMSupermalls sa social media.
Comments