top of page
Search
BULGAR

Ang Probinsyano, extended uli! JULIA, PASOK NA SA SERYE NI COCO

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 31, 2021



Kahapon, Biyernes, ginanap ang storycon ng mga bagong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano sa pangunguna ni Julia Montes na bagong leading lady ni Coco Martin pagkatapos mawala si Yassi Pressman at si Jane De Leon naman ay paalis na rin ng serye dahil kailangan na niyang lumipad bilang si Darna na anytime soon ay magte-taping na.


Base na rin sa ipinadalang press release ng Kapamilya Network sa pagpasok ni Julia sa action serye ni Coco ay abangan kung ano ang magiging karakter ng aktres.


Ito ang magsisilbing TV reunion project nina Julia at Coco pagkatapos ng ilang taong panawagan ng mga fans na pagtambalin silang muli kasunod ng phenomenal TV drama na Walang Hanggan noong 2012, na sinundan pa ng Ikaw Lamang nu'ng 2014 at Wansapanataym: Yamashita’s Treasure nu'ng 2015, na lahat ay panalo sa ratings game.


Pasok din sina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo at Joseph Marco sa serye na kaabang-abang kung ano ang mga karakter ng mga nabanggit ngayong anim na taon na sa Setyembre ang AP.


Tinanong namin ang handler ni Julia sa Cornerstone Entertainment na si Mac Merla kung ano ang role ng aktres.


“Sa ngayon, wala pa kaming timeline. Now pa lang pag-uusapan ang story and character niya,” sabi ni Mac.


Dagdag pa nito, “Production asked her to be part of FPJ’s Ang Probinsyano. Nagpaalam po ang Dreamscape if okay si Julia, so we asked Julia and of course, she said ‘yes.’"


Nakausap namin ang ilang supporters nina Coco at Julia na CocoJuls4ever at sobrang excited sila nang mabalitaan nila na muling magsasama sa serye ang mga idolo nila.


“Ang saya po namin, hindi namin ma-contain ‘yung excitement. Ang tagal po naming naghintay,” sabi ng isa sa mga miyembro ng grupo.


Oo nga ano, anim na taon ang lumipas bago muling nagsama sina Coco at Julia, at dahil sure na kaming malakas ito ay posibleng ma-extend ulit ang FPJ’s Ang Probinsyano.


Posible kayang isa pang taon ang serye hanggang Setyembre, 2022? Abangan!


Anyway, dire-diretso pa rin ang online school ni Julia sa Southville International School and Colleges, pero nakatapos na siya ng culinary arts niya sa Center of Culinary Arts Manila.


Napapanood na rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ibang bansa tulad ng Myanmar, Laos, Vietnam, Thailand at 41 bansa sa Africa dahil sa The Filipino Channel at Netflix,

Kaya abangan ang kuwento ng serye gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page