top of page
Search
BULGAR

Ang prinsipyo ng double jeopardy

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 23, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay nakasuhan ng Theft dahil sa alegasyon na nagnakaw siya ng ilang mga mamahaling produkto mula sa isang grocery store. Bago ang kanyang arraignment ay inutusan ng hukuman ang prosekusyon na palitan ang Information mula sa Consummated Theft ay gawin na lamang itong Attempted Theft. Ang katotohanan ay hindi naman niya nakuha ang mga sinasabing produkto dahil bago pa siya makalabas sa pintuan ng grocery store ay nakita ang mga nasabing produkto sa aking anak at agad siyang hinabol. Hindi niya nailabas ang mga produkto at napakinabangan. Ang tanong ko, hindi ba ito paglabag sa karapatan ng aking anak laban sa double jeopardy dahil una na siyang kinasuhan para sa Consummated Theft at ito ay pinalitan ng Attempted Theft? - Janna


Dear Janna,


Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Jovito Canceran v. People of the Philippines (G.R. No. 206442, 01 July 2015, Ponente: Honorable Associate Justice Jose C. Mendoza). Sang-ayon sa Korte Suprema, ang mga elemento para masabing mayroong double jeopardy ay:


Canceran argues that double jeopardy exists as the first case was scheduled for arraignment and he, already bonded, was ready to enter a plea. It was the RTC who decided that there was insufficient evidence to constitute the crime of theft.


To raise the defense of double jeopardy, three requisites must be present: (1) a first jeopardy must have attached prior to the second; (2) the first jeopardy must have been validly terminated; and (3) the second jeopardy must be for the same offense as that in the first.


Legal jeopardy attaches only (a) upon a valid indictment, (b) before a competent court, (c) after arraignment, (d) a valid plea having been entered; and (e) the case was dismissed or otherwise terminated without the express consent of the accused.”


Gaya sa kaso ng iyong anak, hindi pa maaaring makonsidera na nag-apply ang double jeopardy dahil hindi pa nangyayari ang kanyang arraignment. Bago pa ang nasabing arraignment ay pinalitan na ang reklamo o Information laban sa kanya mula sa Consummated Theft patungo sa Attempted Theft. Dahil dito, ang prinsipyo ng double jeopardy ay hindi pa naaangkop sa kanyang sitwasyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page