ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 26, 2022
'Naaliw kami sa mga sagot ng mister ni Heart Evangelista na si Sorsogon Governor Chiz Escudero nang sumalang siya sa Fast Talk ni Boy Abunda sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube.
Isa sa mga tanong ay, “Does size matter?”
Sagot ni Chiz, “Let’s ask Heart.”
Ang lakas ng tawa ni Kuya Boy.
Seriously, sey ng mister ni Heart ay hindi raw mahalaga ang size.
“Tingin ko, hindi. Kasi marami naman akong kaibigan, bagaman hindi ko naman nakita, alam ko, iba-iba ang hugis at haba nu’n. Magkakasama pa rin naman sila at hindi naman nagrereklamo ang kanilang mga asawa.
“At least, sa akin, hindi nagrereklamo.”
Tawa nang tawa si Kuya Boy.
When asked kung ano ang mahalaga, sagot ni Chiz, “Hindi ko alam, depende sa tao. Ang mahalaga siguro, nag-iibigan kayo at iniibig mo kung sino man ang katalik mo.”
Sex or wifi?
“Sa sex ako parati sa yugtong ito ng buhay ko,” natatawang sagot ng senatorial candidate.
Sex or chocolates?
“Still sex by far a better expression of love than eating sugar and glucose,” aniya.
Sex or Senado?
“Uy, mahirap na ‘yan, ha?” natatawang sabi ni Chiz. “Puwede bang pag-uwi galing Senado, sex?”
Hahaha!
Comments