top of page
Search

Ang mahalaga, maligayang-maligaya sa ginagawa… BARBIE AT JAK, KAHIT SA BAHAY LANG, NAKAKARAOS NA

BULGAR

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 7, 2020




Maraming nahahanap na paraan ang Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza, o mas kilala bilang JakBie, upang makapag-date pa rin kahit naka-quarantine. Para sa kanila, ang mahalaga ay ang oras na magkasama silang dalawa.

Kamakailan lang, nagkaroon ng bonding moment ang dalawa sa kusina at ibinahagi nila ito sa latest mukbang vlog nila. Ipinagluto raw ni Jak ang girlfriend ng espesyal na version niya ng king crab! Kitang-kita naman sa video na nag-enjoy ang mag-jowa sa kinain nila.

At mukha ngang naparami ng kain sina Jak at Barbie kaya naman nagbiro ang aktres na "Mag-promise tayo. Magda-diet na bukas, promise!"

Dagdag pa na kuwento ni Jak, "Noong nag-Japan tayo, hindi ko masyadong na-appreciate 'yung king crab na kinain natin doon kasi steamed lang. Pero ito, nilagyan namin ng butter, garlic saka konting sugar, konting salt. Binoil ko lang nang five minutes ['yung crab] bago ko ilagay sa butter saka garlic. Ang sarap!"

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-taping si Barbie para sa primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, patuloy pa rin siyang napapanood sa rerun ng Meant To Be kasama si Jak sa GMA Telebabad.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page