Ang daming memories… PIOLO AT KIM, APEKTADO NA GIGIBAIN NA ANG GUSALI NG ABS-CBN
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 2, 2025
Ngayon pa lang ay ramdam na ng mga Kapamilya stars ang lungkot sa nalalapit na paggiba sa old main building ng ABS-CBN.
Una na d’yan ang dalawa sa pinakasikat na homegrown artists ng Kapamilya Network na sina Piolo Pascual at Kim Chiu.
Sa ginanap na 38th Star Awards for Television kung saan big winners sina Piolo at Kim ay natanong sila sa napipintong pagkawala ng old main building ng ABS-CBN. Kasama rito ang makasaysayang Dolphy Theater, mga studios, dressing rooms, radio booths, simbahan, atbp..
Ipinagbili ng ABS-CBN sa Ayala Land ang “30,000” square meters mula sa kabuuang 44,027.30 square meters na property ng dating broadcasting network, ayon sa ulat ng ABS-CBN.com noong February 2025.
“Siyempre, masakit. Dito kami lumaki ‘ba,” emosyonal na sabi ni Piolo.
Naging bahagi si Piolo ng talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic noong 1996 o 29 years ago.
Sey naman ni Kim, “Oo, ang daming nangyari rito sa building na ‘to.”
Si Kim ay homegrown artist ng ABS-CBN mula nang manalo siya bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition 1 noong 2006 o 19 years ago.
Pero paniniyak ni Piolo, “But we carry it in our hearts.”
“Yes,” pagsang-ayon ni Kim kay Piolo.
Aniya pa, “Nasa puso namin ‘yun and alam namin na nand’yan pa rin ang mga Kapamilya.”
May eksklusibong impormasyon naman ang nakarating sa amin tungkol sa paggiba ng Dolphy Theater at ng simbahan sa old building ng ABS-CBN.
Ayon sa aming informant, may nagaganap daw na pag-uusap between the Ayalas at ang management ng Lopez building tungkol sa paggiba ng buong structures sa compound ng Kapamilya Network na nasa Sgt. Esguerra at Mother Ignacia streets.
Ipinapakiusap daw ng mga taga-ABS sa mga Ayala na huwag isama sa gigibain ang Dolphy Theater at ang simbahan na malapit dito.
Puwede rin kasing magamit ng mga Ayala ang Dolphy Theater at ang simbahan. Puwedeng ipagpatuloy bilang tanghalan ng live show or event ang Dolphy Theater. Puwede ring gawing museum.
At sa mga establishments naman ng Ayala ay very visible ang maliliit na simbahan. With the existing “kapilya” sa compound, ‘di na nila kailangang maglagay pa ng bago.
Well, sana nga ay mapagbigyan ng Ayala ang request ng mga taga-ABS-CBN.
NAGPAMALAS ng husay sa pagpe-perform ang very talented all-male group na Magic Voyz sa selebrasyon ng kanilang first anniversary via a hit show sa Viva Cafè last Sunday.
Punumpuno ang Viva Cafè sa anniversary concert ng Magic Voyz. Pero sulit na sulit ng audience ang kanilang panonood dahil sa dami ng performances ng MV, pati na ang bonggang production numbers at outfits ng grupo.
Siyempre, happy and proud ang “nanay-nanayan” at manager ng Magic Voyz na si Lito de Guzman. Malaki rin kasi ang hirap ni Lito sa grupo and seeing them grow as performers at sa kanilang personality, kakaibang feeling ‘yun for Mama Lits.
Ang Magic Voyz ay binubuo nina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane, Asher Bobis, plus, ang bagong member ng Magic Voyz na si Jorge Guda na ipinakilala sa concert.
“I’m so grateful and happy to be part of an excellent group. I’m looking forward to more shows and events with Magic Voyz. Sobrang worth it lahat ng sacrifices,” sabi ni Jorge.
During the concert, kinanta ng Magic Voyz ang original song nilang Bintana na isinulat ng isa sa mga members ng grupo, si Johan Shane. Kinanta rin nila sa concert ang bago nilang single na malapit na ring i-release, ang Tampo.
Lahat ng awitin ng Magic Voyz ay released under Viva Records and LDG Productions.
Nag-perform din as special guests sina Robb Guinto, Skye Gonzaga, Cebuana Twins, Buraot Queen, Meggan Marie, Miia Bella at si Ayah Alfonso.
After the concert ay nagpaunlak ng interview sa media ang Magic Voyz.
Tsika ng isa, “Hindi ma-explain... may mga nagkasakit, napaos sa kakakanta, pero nakaya naman at naitawid namin.”
“Hindi lang ako ang nagko-compose ngayon,” shared Johan Shane, the group's main songwriter.
Aniya, “Kasama na rin sina Mhack, Asher, at Mark. Apat na kaming magke-create ng magic para sa Magic Voyz.”
Comments