top of page
Search

ANDREA, TAMEME PA RIN SA PAGIGING THIRD PARTY DAW SA HIWALAYANG KATHNIEL

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See | December 2, 2023





Marami naman ang kumuyog kay Andrea Brillantes after kumpirmahin nina Kath at DJ ang hiwalayan isyu.


Muli ay sari-saring mga tawag ang ipinukol dito, though since pumutok ang usaping ito, never naman talagang nagsalita o nag-react man lang ang pinagbibintangang isa umano sa mga reason ng hiwalayan.


Magaling ang humahawak ng career ni Andrea, marunong pumosisyon sa mga nakakabiglang usapin sa showbiz. Kaya naman hindi rin nakakagulat ang tsikang tila ito pa ang mukhang makikinabang sa mga iskandalo sa dami ng inquiries dito para sa mga product/services endorsements.


Socmed savvy pa ang dalaga na kahit anong bato o tirada rito sa social media, eh, tila mas nananabik pa rin ang marami sa kanyang sasabihin o isasagot.

Iba ka nga, Andrea!


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page