ni Gerard Peter - @Sports | April 10, 2021
Muling mabubuhay ang mabigat na rivalry sa pagitan ng Filipino at Mexico sa pagtutuos sa ibabaw ng ring nina International Boxing Federation (IBF) super-flyweight champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas at Jonathan Javier “Titan” Rodriguez sa Sabado ng gabi (Linggo sa Pilipinas) sa Mohegun Sun Arena sa Uncasville, Connecticut sa Estados Unidos.
Naniniwala si MP Promotions President at international matchmaker Sean Gibbons na ang pagtatapat nina Ancajas (32-1-2, 22KOs) at Rodriguez (22-1, 16KOs) ay muling bubuhay sa mabigat na kasaysayan ng pagbabasagan ng mukha ng Filipino laban sa mga Mehikano, kung saan ang nag-iisang eight division world champion na si Manny “Pacman” Pacquiao at mga Mexican legends na sina Marco Antonio Barrera, Erik Morales at Juan Manuel Marquez ang nagsindi ng paglagablab ng bakbakan sa pagitan ng dalawang lahi.
“It’s gonna be a Mexican Filipino rivalry, when the Mexicans fight the Filipinos, it taking up to another level,” pahayag ni Gibbons sa nakalipas na virtual press conference noong isang buwan. “There is something about that the Senator (Pacquiao), Barrera, Morales and Marquez all develop this rivalry,” dagdag ni Gibbons.
Aminado ang boxing promoter na hindi madaling katapat ang Mexican boxer na mayroong six-fight winning streak, kung saan lima sa laban nito ay nagtapos sa knockout victory. Subalit, tiwala ang American matchmaker na magagawa pa ring mapagtagumpayan ng 29-anyos na Panabo, Davao del Norte-native ang kanyang kalaban.
“I’m cautiously optimistic never look past anybody, but I believe Jerwin’s will skills will pay the bills, I think Rodriguez is a tough progressive game guy but at the end of the day Jerwin’s been a champion now for over 5 years and I see him winning possibly later in the fight,” wika ng 54-anyos na tubong Oklahoma City.
Malaki ang paniniwala ng dating professional boxer-turn matchmaker/promoter na magiging epektibo ang diskarte at istilong gagamitin ng 5-foot-6 na Filipino southpaw laban sa 25-anyos na San Luis Potosi, Mexico fighter gaya ng ginawa niyang pagpapasuko sa kanyang ika-7th at 8th title defense kina Japanese Ryuichi Funai nung May 4, 2019 sa Stockton, California at Miguel Gonzalez ng Chile noong Disyembre 7, 2019 sa Auditorio GNP Seguro sa Mexico, pareho sa loob lamang ng 6th rounds ng 12 round championship match.
Kommentare