top of page
Search
  • BULGAR

Anak sa ibang lalaki, kaya inilabas na… NADIA, GUSTONG MATUTO ANG MGA TAO SA NAGING BUHAY NIYA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 29, 2024



Showbiz News
Photo: Nadia Montenegro / IG

Matapang na hinarap ni Nadia Montenegro ang katotohanan at ibinunyag na ang pinakaiingatang sikreto na matagal din niyang itinago sa publiko. 


Inamin ni Nadia na ang bunso niyang anak ay hindi sa pumanaw nang mister na si Boy Asistio. 


Naipagtapat niya sa mister ang lahat bago ito pumanaw. Tanggap na rin ng iba niyang anak ang kanyang sikreto at nakahingi na siya ng tawad sa nagawang pagkakamali. 


Well, ngayon ay ibang-iba na ang Nadia na makikita ng lahat. Inaayos na niya ang kanyang buhay at handa niyang tanggapin ang mga panlalait at panghuhusga ng mga bashers. 


Ang mahalaga ay napatawad siya ng kanyang mga anak at ng ilang malalapit na kaibigan. 


Kung tutuusin ay puwedeng isapelikula ang makulay na buhay ni Nadia at payag naman siya sakaling may producer na mag-aalok. 


Gusto niyang kapulutan ng aral ang kanyang mga nagawang kamalian sa buhay. 


Sa ngayon ay isa nang Navy reservist si Nadia Montenegro matapos pumasa sa short training course.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page