ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 27, 2025
Photo: KathDen - IG, HLA
Ang pangalawa naman ay good news para sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Ini-announce ng Star Cinema sa kanilang socmed account ang bagong record-breaking news na ginawa ng mega-blockbuster movie nila na pinagbidahan ng KathDen, ang Hello, Love, Again (HLA).
Caption sa post ng dalawang pictures ng mga bida ng HLA, “Thank you for sharing your joy with us! (yellow heart & airplane emoji).
“The highest-grossing Filipino film of all time, Hello, Love, Again has recorded ₱1.6 Billion Worldwide gross.
“Mahal namin kayo… Palagi! (heart hands emoji).”
Naungusan na ng HLA ang Anak nina Vilma Santos at Claudine Barretto bilang highest-grossing Filipino film of all time.
Ang Anak ay ipinrodyus din ng Star Cinema.
In fairness, ilang dekada rin bago nalaglag ang Anak as the highest-grossing film of all time.
Super happy din kami para sa blockbuster director na si Cathy Garcia. Ang daming record sa box-office ang giniba ng mga pelikula ni Direk Cathy.
Bukod sa balitang ito, magsisimula na rin si Direk Cathy ng bago niyang pelikula na pagbibidahan ni Belle Mariano.
Nape-pressure kaya si Belle na ma-handle ng box-office director and at the same time, ‘di malayong pagkumparahin sila ni Kathryn?
But as we see it, magandang sign ito for Belle Mariano na siya na talaga ang kasunod ni Kathryn na gagawing “reyna” ng Star Cinema.
Back-to-back record-breaking and history-making ang naka-post sa X (dating Twitter) kahapon.
Unahin na natin ang news sa international artist na si Rosé ng BLACKPINK na naka-duet ng Fil-Am singer na si Bruno Mars sa hit na hit na kantang APT.
Well, ang ka-member niyang si Lisa Manoban sa BLACKPINK ay nakatakda kasing mag-perform sa nalalapit na Oscar Awards Night sa US.
Ka-level na niya ang multi-award-winning Filipino actress and singer na si Lea Salonga bilang tanging Southeast Asian artist na nakapag-perform nang live sa Oscars noong 1993.
Feeling proud naman ang mga Pinoy netizens kay Lea Salonga.
Ilan sa mga comments ay… “I like the bragging of multi-awarded Filipino actress. That's nice.”
“Well, FILIPINOS DID IT FIRST (manicure emoji).”
“The only Southeast Asian... That’s a record.”
SPEAKING of records, nakapagtala ng 12M total views sa YouTube ang naganap na salpukan nina Coco Martin at Christopher de Leon sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa loob lamang ng dalawang araw.
Kung 12M ang nanood ng BQ, for sure, bilyong Pilipino na rin ang nakatutok sa online. Patunay lang ito na nasa streaming/online na talaga ang mga viewers ngayon kesa sa free TV. This is not a good sign, siyempre.
Ano’ng nangyari sa apat na existing networks sa bansa? Kaya may bahid na katotohanan na sobrang humina at bumaba na talaga ang advertisement sa TV ngayon.
Mabuti na lang talaga at one-step ahead parati ang ABS-CBN. Kaya naman numero uno ang kanilang programa sa streaming platforms gaya na lang ng nangyari sa BQ.
Just imagine, sa 12M online views na nakuha ng serye, mahigit isang milyong Pilipino ang sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) na may 1,004,554 all-time high peak concurrent viewers.
Sa mga susunod na episodes ng BQ, lalong titindi ang banggaan ng mga magkaaway dahil magsasanib-puwersa na sina Tanggol at Ramon (Christopher) para sa nakatakdang mas malaking bakbakan.
Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films gabi-gabi, 8 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.
Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.
Comments