ni Julie Bonifacio - @Winner | July 12, 2022
Dinagsa ng pagbati si Zia Quizon sa kanyang madamdaming mensahe para sa yumaong ama, ang Comedy King na si Dolphy, sa Instagram recently.
Si Zia ang youngest daughter at pinakabunso sa lahat ng mga anak ni Comedy King. And of course, knows naman ng marami na anak siya ni Dolphy kay Zsa Zsa Padilla.
Kitang-kita na very emotional si Zia sa inilagay niyang caption on her IG post na may kinalaman sa kanyang nalalapit na pagpapakasal.
But what caught our attention ay ang mga celebrities na nag-comment sa IG post ni Zia gaya nina Lea Salonga, Andrew E., Iza Calzado, Lala Vinzon, mga nakasama niya sa ASAP noon, her sister na si Coco (Nicole Quizon), her mom and even Martin Nievera.
Nag-reply si Zia sa lahat ng comment ng mga celebs except for one, sa post ni Concert Queen Pops Fernandez.
To refresh everyone, ex-boyfriend ni Zia ang panganay nina Pops and Martin Nievera na si Robin Nievera. Tumagal din nang ilang taon ang kanilang relasyon. Pero nu’ng mabalitaan namin na nagpunta at tumira na sa US si Robin, pumasok agad sa isip namin kung ano ang nangyari sa relasyon nila ni Zia.
Until we had a presscon para sa New Year’s eve concert nina Pops at Martin sa Solaire before the pandemic noong December, 2019.
We remember clearly nu’ng tinanong namin si Pops kung break na sina Robin and Zia.
Sabi ni Pops when asked about her two sons, “Robin is doing very well in the US. He likes it there. I think he’s gonna be there for a while. Ram naman is doing quite here also.”
Tinanong namin si Pops kung kasama ni Robin sa US si Zia.
“Siya lang, siyempre,” sagot ni Pops.
Nag-follow-up question kami sa kanya kung break na sina Robin at Zia.
“Hindi ko alam. I don’t know. But si Kuya (Robin) has his own work in the States. They bought the ‘Wish Bus’ in the US,” sabi ni Pops.
Hindi na kami nakapagtanong ulit dahil sa in-entertain na ni Pops ang question ng ibang entertainment writers na nasa presscon.
Nagtatalu-talo kasi ang mga netizens kung kailan nag-break sina Robin at Zia dahil sa mga naglabasang long-time boyfriend na ng anak nina Zsa Zsa at Dolphy ang pakakasalan nito na magaganap sa bansang Serbia.
“'Di ba, 'yan ang long-time jowa niya?”
“Upon G search, March, 2022 pala ang breakup nila ni Robin Nievera.”
“March 2022? Eh, ang tagal na nilang hiwalay. Parang before pandemic pa.”
“Sabi sa isang article, long-time BF niya raw 'yung Aleksa. So, ano sila nu'ng anak ni Martin? BFF, ganern?”
Feeling namin, nu’ng time that Robin decided na magpunta sa US and then, magtrabaho ru'n, malamang ay break na sila ni Zia. So, puwedeng matagal na ring naging boyfriend ni Zia si Aleksa before they both decided to get married now.
Anyway, bakit nga kaya hindi nag-post ng reply si Zia sa comment ni Pops? May galit o hinampo kaya si Zia kay Pops?
Buti pa kay Martin, kahit mga emoji lang at walang word, mababanaag na okey si Zia at ang tatay ng kanyang ex-boyfriend. Pero kay Pops, dedma talaga si Zia, ha?
Comments