ni Thea Janica Teh | November 21, 2020
Nagpositibo sa COVID-19 si Donald Trump, Jr., anak ni US President Donald Trump at wala umano itong nararamdaman na kahit anong sintomas, ayon sa spokesman nito.
Nakumpirmang positibo sa virus si Trump nitong Lunes at agad na sinimulan ang quarantine noong makuha ang resulta.
"He's been completely asymptomatic so far and is following all medically recommended COVID-19 guidelines," dagdag pa ng spokesman.
Samantala, nakumpirma nitong Biyernes na positibo rin sa COVID-19 si Andrew Giuliani, anak ng personal lawyer ni Trump na si Rudy Giuliani.
Commentaires