ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 10, 2023
Finlex ng eldest daughter ni Senador Robin Padilla na si Camille Orosa sa kanyang Instagram account ang family bonding nila kasama si Mariel Rodriguez-Padilla at dalawang anak ng mag-asawa na sina Isabella at Gabriella.
Si Camille ang pinakapanganay na anak ng aktor-pulitiko kay Leah Orosa among her children.
Sa IG ni Camille, makikitang hindi lang sa Tokyo, Disneyland nagpunta ang Padilla family.
Ang caption ni Camille sa kanilang picture: "The eldest of 12 -- Disneyland LA & Disneyland, Tokyo within two weeks for the holidays and I would do it all over again."
Komento ng mga netizens…
"Ang guwapo pa rin ni Robin. Bihira lang sa lalaki 'yung habang nagkakaedad, lalong gumuguwapo."
"To be honest, parang kapatid niya (Robin) lang sina Camille, Kylie at Queenie. Ang bata ng hitsura niya."
"True. Grabe siya."
"Siguro, malaking factor 'yung organic na lang daw ang mga kinakain nila. So maganda sa kutis, healthy at nakakabata."
"'Di kaya naguguluhan itong dalawang anak ni Mariel na ang dami pala nilang kapatid?"
Naintriga naman ang isang netizen sa sinabi ni Camille na eldest siya sa 12 anak.
"So, there's Camille + 4 with Liezl (Sicangco) + 2 with Mariel. May 5 pa pala?" tanong ng netizen.
Paglilinaw naman ng isa, "By 12, does she mean all her siblings, including her mom Leah Orosa's children?"
May nag-ask din ng "Secret daughter ba siya? Never heard of her. Ganda niya."
"Hindi siya secret daughter pero lumaki siya sa US kasama ng nanay niya."
"I also like the idea na she’s keeping in touch pa rin with Robin and vice-versa. Ilan ba ang lahat ng anak ni Robin?"
Papuri ng isa sa senador, "At least, Robin still has a good relationship sa mga anak niya."
"Oh, may iba pa pala siyang anak? Ilan ba sila lahat, good provider si Robin kaya walang hanash ang mga nanay, ayos 'yan."
"Eldest of 12 siguro kasi may mga anak din ang mom niya sa iba," paglilinaw ng isa.
Pinasalamatan naman ni Robin ang panganay na anak sa pagbibigay ng oras nito sa kanilang Padilla family.
Comentarios