top of page
Search
BULGAR

Anak ni Kris, dedma sa padir… JAMES, ‘DI SUSUPORTAHAN NI BIMBY SA PULITIKA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Oct. 17, 2024



Showbiz News

Photo: James Yap at Bimby Aquino - FB


Ayon sa ilang syobis Marites ay may isang dekada na, as in 10 years na palang hindi nagkikita or nagkakausap man lang ang mag-amang James Yap at Bimby, kaya raw wa’ pakels itong si Bimby sa kandidatura ng kanyang biological erpat na tatakbong konsehal sa San Juan City.


As in wala silang pakialaman sa isa’t isa, Kris Aquino, ganernnn?


Ayon pa sa ilang syobis Marites ay for 10 years ay never daw nag-try si James na bisitahin or kausapin man lang sa phone ang dyunak niyang si Bimby. 


But heard na ito raw kasi ang naging agreement nina James at Kris, kaya sorry na lang, Bimby. 


But ang tanong... is Bimby also longing for a father’s love and attention?

‘Yun na!


 

TUMANGGAP ng 11 na parangal mula sa mga guro ang ABS-CBN para sa kanilang natatanging palabas, pelikula, at artista sa 2024 Gawad Pasado Awards na ginanap sa Philippine Christian University noong Oktubre 12 (Sabado). 


Big winner ang Third World Romance (TWR) na nakakuha ng apat na parangal kabilang ang PinakaPASADOng Dulang Pampelikula, PinakaPASADOng Pelikula sa Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian, at PinakaPASADOng Pelikula.


Tinanggap din ni Charlie Dizon ang trophy para sa PinkaPASADOng Aktres para sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa pelikula. 


Sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, ang mga bida ng pelikulang A Very Good Girl (AVGG) ay kapwa kinilala rin. Si Kathryn ang nagwagi ng PinakaPASADOng Aktres award, habang si Dolly ay pinarangalan bilang PinakaPASADOng Katuwang na Aktres. 


Panalo rin ang nation’s girl group na BINI na nagpasikat ng mga kantang Pantropiko at Salamin, Salamin ng PinakaPASADOng Dangal ng Kabataan award.


Samantala, ang seryeng Dirty Linen (DL) ay nag-uwi rin ng tatlong parangal. Kabilang dito ang PinakaPASADOng Teleserye, PinakaPASADOng Aktres sa Telebisyon para kay Janine Gutierrez, at PinakaPASADOng Aktor sa Telebisyon para kay John Arcilla.  


Kinilala rin si Paulo Avelino bilang PinakaPASADOng Aktor sa Telebisyon para sa kanyang natatanging pagganap bilang Victor sa seryeng Linlang, na unang ipinalabas sa Prime Video. 


Ang PASADO ay samahan ng mga guro mula sa pribado at pampublikong paaralan na sumusuri ng mga pelikula at serye na maaaring gamitin sa pagtuturo. Taun-taon, ginaganap nito ang Gawad Pasado Awards upang bigyang-parangal ang mga huwaran sa industriya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page