top of page
Search
  • BULGAR

Anak ni Dennis da Silva, bago raw ng biyudo ni Liezl…RELASYON NINA ALBERT AT FAITH DA SILVA,

IBINULGAR NI MANAY LOLIT.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 28, 2021




May mga sitsit na may ka-affair daw na young star ang beteranong aktor na si Albert Martinez.


Matagal nang balo si Albert at ngayon lang in so many years siya nali-link at sa isa pang young star.


Dati ay ibina-blind item lang ang dalawa, pero kamakailan, sa online talk show na Take It Per Minute, Me Gano'n! ay pinangalanan na ang subject sa BI.


Sey ng kasamang host nina Cristy Fermin at Lolit Solis na si Mr. Fu, “Nababalita noon na magkasama sila sa locked-in taping, eh, palagi raw nakikita sa isang dressing room o sa isang kuwarto.


“Ang sabi pa, kaya raw nakakapunta itong baguhang aktres kay veteran actor ay dahil sa pinapayagan naman ni mudrakels, ng nanay.”


Pinangalanan naman ni Manay Lolit na sina Albert at Faith Da Silva raw ang tinutukoy sa BI.


“Pero ang balita ngayon, ang follow-up story, eh, mukhang lantaran na, mukhang sila na. Parang sila na talaga, itong si veteran actor at ang baguhang aktres.”


Ayon pa kay Mr. Fu, hindi na iba sa young actress ang isyu dahil lagi naman daw itong nali-link sa mga older men.


Pumasok naman si 'Nay Cristy at pabirong sabi, “Ang suwerte n’ya kung tototohanin s’ya ni second veteran actor. Ang yaman-yaman na ni second veteran actor.”


Sey uli ni Manay Lolit, “Pero, payag ba ang mga anak ni Albert Martinez?”


Patuloy ang tsikahan ng tatlong hosts hanggang itanong ni Mr. Fu, “Eh, sino ba ‘yung baguhang actress?”


“Si Faith Da Silva, anak ni Dennis Da Silva,” diretsang sagot ni Manay Lolit.


Sina Albert at Faith ay magkatrabaho sa Las Hermanas ng GMA Network.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page