ni Julie Bonifacio - @Winner | October 2, 2022
Two showbiz-related news ang nagpagising sa amin kahapon.
Una, ang balitang pag-aresto sa actor na si Dominic Roco at apat pa niyang kasama na non-showbiz. Pangalawa, ang akusasyong pambubudol sa singer na si Ivy Violan.
Kasalukuyang nakapiit si Dominic sa Station 14 ng Quezon City Police District, as of this writing. Inaresto si Dominic at apat pang kasama sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Don Antonio Heights Zuzuarregui, Barangay Holy Spirit, Quezon City bandang 1:20 nang madaling-araw kahapon, Sabado.
Ayon sa ulat, ‘di pala si Dominic ang target ng buy bust operation ng mga pulis-Kyusi.
Isang drug pusher daw ang suspek nila. Hindi akalain ng mga pulis na kasama si Dominic at ang tatlo pang indibidwal.
Nahaharap si Dominic at mga kasama niya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos mahulihan ng 6 na piraso ng transparent plastic sachet na may P14,000 worth ng dried marijuana leaves, 16 pieces ng heat-sealed small transparent plastic sachet na naglalaman ng alleged shabu na nagkakahalaga ng P102,000, isang black pouch at digital weighing scale.
Si Dominic ay anak ng aktor na si Bembol Roco at twin brother niya si Felix Roco.
Maraming taga-showbiz ang nagulat sa pagkakaaresto kay Dominic. At sa kasong kinakaharap nito, nanghihinayang sila kay Dominic dahil isa siyang mahusay na aktor gaya ng kanyang ama.
Samu’t sari naman ang naging reaksiyon ng mga netizens sa pagkakaaresto kay Dominic.
“Hays, sayang ang mga best scenes mo sa Viva Films. Nagkatotoo 'yung pelikula mong AMO.”
“No one is above the law, mapa-artista ka man o ordinaryo. Ganyan sana, walang pinapanigan o kinikilingan ang batas. Kawawang Pilipinas, pugad ng mga drug lords, adik, protektor nila mga nasa puwesto, nakakasira talaga kayo sa lipunan.”
“(Section) 11 lang kaso, mabilis 'yang lumaya.”
May netizen naman ang nagawa pang magbiro at iniugnay pa si Bea Alonzo kay Dominic. “Pakatatag ka, Bea Alonzo.”
“Ibang Dominic po 'yan,” sagot naman ng isa.
“Dominique Roque 'yun, hehehe. Dominic Roco naman 'tong nahuli.”
'Kalurky!
Comentários