ni Thea Janica Teh | November 29, 2020
Patay ang anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat matapos mabaril sa isang engkuwentro sa pagitan ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) ng Philippine Army at New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur nitong Sabado, Nobyembre 28.
Sa inilabas na pahayag ng mga militar, hinihinalang kabilang si Jevilyn Campos Cullamat o mas kilala sa “Ka Rep” sa medic ng mga NPA. Siya ang bunsong babaeng anak ni Bayan Muna Rep. Cullamat.
Kuwento ng mga militar, agad nilang sinamahan ang pamilya ni Cullamat upang makita at makuha ang bangkay nito.
Bukod pa rito, nakuha rin sa mga ito ang ilang mga armas tulad ng 3 AK-47 rifles, 1 M14 rifle at M653 rifle at 5 backpacks na naglalaman ng combat equipment at ilang mahahalagang dokumento.
Samantala, naghatid naman ng pakikiramay si Brigadier General Allan D. Hambala at sinabing “We are saddened because we know that she and her family were just victims of the CNTs’ (communist NPA terrorist) destructive and pointless ideology. While there are issues concerning the IPs, violent, armed, and terrorist struggle will never be the right solution to it.”
Comments