ni Julie Bonifacio @Winner | August 3, 2024
Hot topic pa rin ang nakakalungkot na balitang na-rape diumano ang anak ni Niño Muhlach na si Kapuso star Sandro Muhlach.
Makaraan ang ilang araw, may developments nang nagaganap at ang bilis, ha? Nakapagbigay na ng formal complaint si Niño sa GMA-7 at naglabas na ng official statement ang Kapuso Network sa pagkakasangkot ng 2 gay execs daw nila.
Samantala, may kumakalat sa socmed (social media) na mga quotable quotes diumano ng kampo ng mga Muhlach. Isa na riyan ang kumalat na post daw ng sister ni Niño na si Alexa Muhlach. But later on, napag-alaman din na fake pala ang naturang post.
Ang laman ng fake post, “A complaint was made before this statement was posted. GMA is lying. “Walang pinoprotektahan” pero hindi totoo ‘yan.
“They are protecting themselves. GMA is harboring rapists. They knew about the issue before the blind item was posted. The perpetrators are not independent contractors, they are part of the network. We demand accountability, not just for my nephew, but for all the victims of sexual assault in the industry.
“Gawain ito ng mga tao sa showbiz, young men and women are taken advantage of by network executives under threat of not getting jobs. How many more are going to be victimized before this culture of sexual assault in the showbiz industry ends?”
We heard, humingi na ng tulong si Niño Muhlach kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr..
Knowing Sen. Bong, kahit na isa siyang Kapuso artist, tiyak na mangingibabaw ang pag-alam niya sa katotohanan at pagkampi sa hustisya.
First time naming nakilala at napanood na mag-perform ang young actor na si Itan Rosales sa Viva Cafe kamakailan.
In fairness, magaling mag-perform on stage si Itan, mahusay sumayaw at nakakakanta naman. May kakaibang presence rin siya kaya nakakaagaw talaga ng atensiyon.
Another gold mine ang naispatan ng mabait na manager na si Len Carillo ng 3:16 Media Network na siyang nangangalaga ng career ni Itan. Si Itan na nga ang bagong Prinsipe ng Vivamax dahil sunud-sunod ang proyekto niya para sa sikat na online streaming.
Siya si Rommel sa Hiraya kasama si Rica Gonzales na ang prodyuser ay ang 3:16 Media Network at idinirehe ni Sidney Pascua.
Sa pelikulang Kaskasero naman ay kasama ni Itan sina Christine Bermas at Angela Morena, sa direksiyon ni Ludwig Peralta at isinulat nina Quinn Carrillo at Sidney Pascua na prodyus pa rin ng 3:16 Media Network. Assistant director din dito si Quinn. Ang Kaskasero ay mula rin sa 3:16 Media Network ni Ms. Len.
Nasa pelikulang Uhaw din si Itan kasama ang VMX (Vivamax) Queen na si Angeli Khang at VMX Princess na si Ataska na mula naman sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr..
Tampok din sa pelikula sina Quinn Carrillo, Pantene Palanca, Tabs Sumulong, Jhai Slvr, JD Aguas, Elmo Elarmo Jr., Aj Oteyza, Nathan Rojas, VJ Vera, Mark Grabador at marami pang iba.
Bukod sa pagiging hunk actor, si Itan ay miyembro rin ng all-male sing and dance group na VMX-V, na madalas mag-perform sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City. Kasama ni Itan sa grupo sina Karl Aquino, Marco Gomez, Calvin Reyes, at ang bagong member nitong si Dio de Jesus. Si Itan ay naging member din ng Clique V, pero dahil sa pandemic ay hindi siya nakapag-perform sa grupo.
Thankful si Itan sa mga blessings na dumarating sa kanya. Sunud-sunod kasi at hindi nababakante ang batang aktor sa mga proyekto.
Sey ni Itan, “Siyempre, una sa lahat, sobrang thankful ako at nagpapasalamat sa Panginoon na binigyan ako ng ganitong opportunity.”
“Thankful din po ako, especially sa aking manager na si Tita Len dahil kung ‘di dahil sa kanya, wala po ako rito. So, thank you so much, Tita Len, I love you,” mensahe pa niya sa kanyang manager.
Lastly, inamin ni Itan na stepping stone lamang niya ang pagiging Vivamax actor.
“Oo naman po, gusto ko ring makatawid sa mainstream,” diin pa niya.
Ayon pa kay Itan Rosales, sina Piolo Pascual at Gerald Anderson ang kanyang mga idolo dahil sa husay ng dalawa bilang aktor.
Comments