top of page
Search
BULGAR

Anak, kaya tinawag na scammer… VILMA, IKINANTA ANG MGA NAGPAHAMAK KAY LUIS

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 8, 2023




Lungkot ang naramdaman ni Star for All Seasons Vilma Santos sa kanyang panayam kamakailan kay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na" na in-upload sa YouTube nang matanong kung okay na siya sa nangyari sa anak na si Luis Manzano.


Matatandaang nauna nang napaiyak si Vilma kay Boy Abunda matapos na akusahan si Luis na scammer dahil sa isyu ng investment scam sa Flex Fuel Petroleum Corp. na siya ang naging front bilang endorser nito.


Ayon kay Vilma, dating mga kaklase pa ng kanyang anak ang gumawa nito na itinuring na rin naman niyang mga sariling anak.


Aniya, sobra siyang nasaktan sa nangyari lalo na't hindi naman siya puwedeng palaging manghimasok sa isyung kinasasangkutan ni Luis.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page