ni Nitz Miralles - @Bida | September 20, 2022

Kahit sa Instagram account niya, hindi pabor kay Dennis Padilla ang mga nababasa naming comments sa isyu sa kanila ng anak na si Julia Barretto.
Mas kampi ang mga netizens kay Julia kesa kay Dennis at ang ama ang sinisisi kung bakit naba-bash na naman ang anak.
Kinantiyawan pa si Dennis na duwag daw dahil ‘yung mga nai-post niya ay deleted na.
Dapat daw, walang burahan ng post.
Sigurado namang may rason si Dennis kung bakit niya dinelete ang iba niyang posts.
Pati ‘yung post niyang “Pareho kami... 'Di pa rin ako ready patawarin si Julia,” ay deleted na rin.
May mga kampi rin naman kay Dennis at may nagpayo na naman sa kanya na ‘wag niyang ipapahiya sa socmed ang mga anak at dapat bilang ama, pinoprotektahan niya ang mga ito.
Samantala, may pakiusap si Claudine Barretto kay Dennis, “Kuya, tama na! Tumigil ka na, pls?!
Sumosobra ka na! Maawa ka sa mga bata. Pls. stop! Mag-usap tayo.”
Kaya lang, magpapa-interview pa si Dennis kay Karen Davila, kaya malabong matapos na ang isyung ito.
Comments