top of page
Search

Ampatuan Jr., 210 taong kulong, pinagbabayad pa ng P44 M

BULGAR

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 23, 2023




Nahatulan ng 21 na kaso ng graft ang isa sa mga pangunahing salarin sa Maguindanao massacre na si Datu Andal Ampatuan, Jr., kasabay ng ika-14 anibersaryo nito, matapos ang pagsusuplay ng krudo sa pamahalaang Maguindanao mula sa sariling gasolinahan.


Nagpataw ang Sandiganbayan Sixth Division ng mula 6 taon at 1 buwan hanggang 10 taon para sa bawat isa sa 21 kaso, o kabuuang bilang na 127 taon at 9 buwan hanggang 210 taon na pagkabilanggo.


Pinagbabayad din si Ampatuan Jr. ng anti-graft court ng halagang umaabot sa P44.18-milyon para sa hindi ipinadalang krudo sa Maguindanao, kasama ang 6% interes kada taon.


Nagsampa ng kaso ang pamahalaan ng Maguindanao matapos na pumalya si Ampatuan Jr. na sumunod sa kanilang kasunduang nagsimula nu’ng 2008.




0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page