ni Lolet Abania | December 18, 2021
Nagkaroon ng pagtagas ng ammonia sa isang ice plant sa North Bay Boulevard, Navotas City ngayong Sabado.
Batay sa inisyal na report, agad na rumesponde ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lugar at naagapan ang pagtagas pa ng ammonia sa Magsimpan Ice Plant, sa Navotas City.
Ayon sa BFP, isang mechanical failure sa cooling system ng nasabing ice plant ang naging dahilan anila ng bahagyang ammonia leak.
Nakatakda naman ang cooling system nito na isailalim sa isang maintenance checkup ngayon buwan.
Inatasan na rin ng BFP ang pamunuan ng ice plant na magkaroon ng contingency plan para sa anumang beripikasyon.
Wala namang naiulat ang mga awtoridad na napinsala sa mga residente at crew ng ice plant dahil sa insidente.
Comments