ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | June 27, 2021
Sa virtual preskon ng GMA teleseryeng First Yaya ay natanong ni yours truly ang leading man nitong si Gabby Concepcion.
“Gabby, dahil ang role mo rito sa First Yaya ay bilang presidente ng bansa, kung sakaling may mag-alok sa iyo na tumakbo this coming 2022 elections bilang presidente, senador, governor, mayor, tatanggapin mo ba? At kung sakali, ano'ng posisyon ang gusto mo?"
“Well, ang totoong sagot, huwag na muna kasi hindi ako makakapag-taping. So, mas maganda, huwag na lang muna. Bata pa akong masyado (smiley emoji).
“Saka, wala…wala akong ambisyon na maging pulitiko. Okay na ako, steady na ako dito sa pagiging aktor ng First Yaya na may Book 2, abangan n'yo na lang.”
"So, wala kang balak tumakbo sa Senado at makipagkumpitensiya kay Senador Kiko Pangilinan?" asked ni yours truly.
“Ay, medyo choppy, 'di ko maintindihan,” palusot niya na pareho naming ikinatawa.
Siyempre, baka nga naman magkaisyu pa 'coz mister na ngayon ng ex-wifey niyang si Sharon Cuneta ang nabanggit na senador.
'Niwey, ang sumunod na tinanong ni yours truly ay ang sumisikat ngayong Kapuso star na si Sanya Lopez kahit unang bida role pa lamang niya ang First Yaya.
“Sanya, may posibilidad ba na ma-fall in love ka sa isang Gabby Concepcion in real life kung hindi pa kayo taken, that is. Meron ba?”
“Ay, hindi pa po ako taken!” nakatawa at buong-ningning niyang bulalas.
“Pero sabi ko nga po, mahirap po kasing magsalita sa panahon ngayon. Pero wala naman po akong sinasabing anong age or ganito, so…wala naman pong imposible kapag ibinigay talaga sa iyo ni God kung sino ang talagang para sa iyo.
“Ahhh, tanggapin na lang po natin kung ano or sino ang magiging kapalaran ko.
“Sa ngayon po, masaya kaming magkakaibigan dito sa taping ng First Yaya, lahat kami rito…'yun po muna. Enjoy-in muna namin ang company ng isa’t isa. Basta ganu’n po muna sa ngayon,” pagtatapos na sey ni Sanya.
O, sige, Sanya at Gabby, enjoy-in n'yo na muna ang company ng isa’t isa lalo na nga at magkakaroon pa ng Book 2 ang inyong teledramang First Yaya.
At kung sino man ang “FIRST YAYA-RI” kay Sanya, sabi nga niya ay tanggapin na lang natin.
'Yun na! Insert smiley, ☺!
Tsk, sayang at hindi ko naitanong kay Sanya kung nabulungan ba siya ni Gabby ng mga katagang…. "Maganda akong maglahi…” boom, zziibooom! With matching background music that goes…. "Cesziboom.”
'Yun lang and I thank you.
Comments