top of page
Search
BULGAR

Aminadong dilawan… OGIE, WA’ PAKI SA MGA BUMABANAT SA KANILA HANGGA’T MAY IPINAPAKAIN SA PAMILYA

Julie Bonifacio - @Winner | April 29, 2021




Dinepensahan ng singer/songwriter na si Ogie Alcasid ang kanyang misis na si Asia’s Songbird Regine Velasquez bilang isa sa mga celebrities na naglalabas sa social media ng kanilang saloobin kontra sa pamamalakad ng gobyerno.


"Alam mo kasi ang wife ko, tulad ng maraming kababaihan, dahil siya'y nanay, alam mo ang mga babae, talagang very emotional, ‘di ba? So, ‘yung mga ganu’ng bitaw, galing sa nanay ‘yun, eh, galing sa puso ng isang nanay,” panimula ni Ogie sa nakaraang panayam namin sa kanya sa #CelebrityBTS Bulgaran Na, online show na napapanood sa BULGAR Facebook page tuwing Sabado, 11 AM.


At 'di naman daw para kay Regine ang ginagawa nitong paglalabas ng hinaing kundi para sa ibang mga Pinoy.


"Kasi makikita mo na maraming hirap talaga. And kasi kami, ang aming laging intention, ‘Paano ba tayo makakatulong?’ Eh, hindi naman kami sobrang yaman. Kumbaga, hanggang ano lang ang kaya, eh. So, minsan, dumadaan ka sa point na nanghihina ka na, ‘di ba? ‘Yung mga ganu’n."


Sa tanong ng aming co-host na si Ateng Janice Navida kung may pressure ba kay Regine ang pagiging very vocal niya about her feelings towards the current state of the country like red-tagging, hindi naman daw nila nararamdaman 'yun.


"Uh, kasi hindi naman talaga kami political. I don’t think so, lalo na ako. Wala rin naman akong naaalala. Kumbaga, threats? Wala talaga, eh."


Lahat naman daw kasi ng pro and against the government ay nakakapaglabas ng kanilang opinion sa social media.


"Nakikita mo naman na there’s an exchange, I think, at this point, at this hour, there is still freedom of expression. So, wala naman kaming… personally, nararamdaman na pressure. But I think kami, mas gusto naming maging pro-active.


"Siyempre, hindi na namin kailangang ilathala kung ano ‘yung ginagawa namin, ‘no? And just like everybody else, we just want to give our share, you know, how matter it is small.


"Kasi talagang bukod sa pandemya, eh, ang ekonomiya natin is really, really suffering. So, anything that we can do to help, ayun, nandoon kami."


Hindi naman daw niya mapipigilan ang iba na hinahaluan ng pulitika ang magandang intensiyon nila para sa ating mga kababayan. Sobrang na-identified kasi si Ogie noon sa past administration, especially kay Pres. Noynoy Aquino na naging kaibigan niya personally.


"Uhm, we were identified with them. Kumbaga, na-branded ka nang ganu’n, so, ganoon talaga, eh.


“Ako, lagi kong sinasabi ‘to, eh. Nu’ng maging pangulo si Noynoy noon, wala na tayong kulay-kulay, ‘di ba? Let’s have all the colors of the rainbow, hehe! Pilipinas na tayo, eh, ‘di ba?


"‘Yun nga lang, ang society natin, mahilig talagang… kung dilaw ka, dilaw ka lang. Kung pula ka, pula ka lang, ganu’n. Which kung titingnan natin, maaaring may pagka-dilaw ka, pero maaari ring may pagka-pula ka."


Hindi raw ba posible na magkaroon ng sariling desisyon ang isang indibidwal?


"Yes, may sarili ka ring desisyon, totoo ‘yan. Kaya ‘yung mga branding na ‘yan, nasa tao lang ‘yan, eh. Meron kang pag-iisip, meron kang paniniwala.


"I don’t mind it kung sa tingin nila, ganu’n ako. Doon ako sa taong kumbaga… Hindi naman kasi mawawala ‘yung tutuligsa, at hindi rin mawawala ‘yung sinasabi nating troll. At ang magkabilang-panig ay meron niyan.


"Ang sa akin, you first protect what is important to you. First is your family. Protect the people that surround you. And then, lalo na kapag maliliit pa ang mga anak mo, make sure that there’s food on the table.


"Make sure that your kids grow up prayerful and faithful. And you teach them the right things. Then, they can discern. Malalaman nila, ‘Parang mali ‘yun, ah? Parang hindi tama ‘yun?’


"It really starts within the family. Kapag hindi natin naayos ‘yung mga values na ganu’n, ‘yun!So, maaaring, sana, ang mas mataguyod natin ay hindi mawala ang values ng family."


Natawa lang si Ogie when asked kung may plano siyang pasukin ang pulitika. Hindi raw niya hilig ito.


"Kailangan yata, hilig mo. Well, 54 na rin ako, eh. Parang too late na ata to start a political career."


What about ang inaanak niya sa kasal na si Dingdong Dantes na matunog na matunog ang pagtakbo sa Senado sa 2022 election?


"Nag-dinner kaming dalawa, usap kami. Meron siyang minumungkahi na project. We also had a very, very private moments with Pres. Noynoy, kaming tatlo lang. He always wanted to help, I think he can run already. Ewan ko kung ano pa ang hinihintay niya. Forty na ba siya? Puwede na.


“He is really intelligent, smart, mature, has good values, and you kmow, takot sa asawa tulad ko. Hahaha! Joke lang ‘yun," natatawang sabi ni Ogie.


Well, abangan natin sa 2022 kung makukumbinse na nga si Dingdong Dantes na pasukin na rin ang pulitika.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page